VIVIAN DE VERA Dalawang araw pagkatapos ng mainit na pagtatalo namin ni Wynter ay tila mas naging istrikto ito sa akin. Hindi ako maaaring lumabas ng hindi siya kasama. At kapag napapatagal ang pagbisita ko kay Olivia ay sinusundo niya ako. Olivia was right. I become Wynter’s obsession. Ako ba ang gumawa nito? Did I create that monster? “Vivian, hinihintay ka ni Wynter sa labas,” anunsyo ni Ryker. Niyakap ko si Olivia ng mahigpit at bumulong, “Help me, Oli. As Ryker to help me. Please.” Tumango ito at hinaplos ang likod ko. “I already asked him.” Napapikit ako upang pigilin ang pagtakas ng luha. “Thank you.” Naghiwalay kami at huminga ako ng malalim. Hinawakan ni Olivia ang kamay ko at napansin ko na may pinahawak siya sa akin. Our eyes met. Kumunot ang noo ko. “Sleeping pills,”

