VIVIAN DE VERA Sakay kami ng motorboat at nakaupo lang ako sa gawing dulo. Suot ko ang malaking jacket na binigay ni Wynter na umaabot sa kalahati ng aking hita at naka-zip iyon hanggang sa aking leeg. Hindi ko na naisuot ang jeans at bra dahil nasimulan na ni Ryker a sirain ang pinto ng cabin. Nagmamadali na kami ni Wynter na magbihis at ito nalang ang naisuot niya sa akin. Kahit si Wynter ay hindi na rin nakapagsuot ng pang-itaas dahil nakipagtalo na ito kay Ryker. Simula kanina ay hindi na ako makatingin ng diretso kay Ryker dahil sa kahihiyan. Seryoso itong nakatingin sa harap at nakahawak sa steering wheel ng motorboat. Tumayo si Wynter sa tabi kanya. Halos magkasing-taas lang ang dalawa at parehas na fit ang katawan. “Are you trying to drop us in the ocean?” Matalim siyang t

