"The truth is that I want to see your face, but I respect your decision," tugon nito sa akin. "This is better. I need to take a shower, now." Tinalikuran ko na ito pagdakay tinungo ang banyo. Pansin ko pa rin ang pag-alon ng aking paningin, at ang malakas na pagtibok ng aking puso. t***k ng kaba, Hindi sa ano pa mang dahilan. Ugh! Pumasok ako sa banyo ng kwarto na kinaroroonan namin. Namangha ako sa jacuzzi na tumambad sa harapan ko. Mahirap lang ako pero hindi naman ako ignorante sa mga bagay na mamahalin. Tama nga ako, hindi basta-basta ang lalaking sinamahan ko. Hindi ko rin pwedeng isipin na masamang-tao iyon, gayong imposible na mangyari iyon sa isang katulad nitong mayaman. Dahil kung tutuusin kaya nitong magbayad ng ilang babae mapasaya lang ang gabi nito. Puno ng salamin ang

