Hindi Nga? Seryoso?

2443 Words
Six Hindi nga? Seryoso?   “Cookies!” Mukha yatang lumalala ang sayad nitong si Mr. Cain. Kung alam lang niya kung anong klaseng halimaw ‘yang inilalapit niya sa akin. Kung pwede ko nga lang bang isuplong sa mga pulis, eh. Kaso ano namang magagawa ng mga pulis? Isa pa, as long as wala siyang sinasaktan, I do think it’s safe. “Althea. Nasa’n ang kwintas mo?” Hindi ba talaga niya ako titigilan sa kwintas na ‘yan? “Tinangay ng holdaper kagabi.” “Ang galing mong mag-imbento ng istorya. Saan mo inilagay?” “Ang kulit ng angkan mo. Hinoldap nga sabi, eh.” “Ano bang kwintas iyon? Bakit n’yo ba pinag-aawayan?” puzzled na sabad ni Mr. Cain. Pareho kaming nag-iwas ng tingin ni Zero na may halong irap. Tumawa na lang bigla si Mr. Cain na hindi ko malaman kung bakit. Tumayo si Zero at lumabas. Tumingin ako kay Sir. Inginuso niya ang pintuan kaya tumayo na rin ako at sinundan ang halimaw. “Zero! Hoy!” Buzz. Buzz. Buzz. Bakit ba kapag nakikita nila ako ngayon laging nagbubulungan? Hindi naman ganyan dati, ah. “H’wag ka ngang maingay. Wala tayo sa palengke.” “Ha-ha. Funny.” “Problema mo?” Sinasabayan ko na siya sa paglalakad. Alam ko kung bakit hindi siya pwedeng umastang halimaw sa harapan ng maraming tao. “They’ve been living for so long…” Napatingin ako kay Cheen. Inaantok na ako pero hindi ko magawang tulugan sila dahil baka makagawa ng paraan sina Zero at bigla kaming atakihin dito sa bahay. “What?” “Sabi ni Raikki. Matagal na silang nabubuhay. Hindi niya alam kung anong klaseng nilalang si Zero dahil marami siyang skills sa na kapareho ng iba’t-ibang talents like were-beasts and antropomorphs pero sigurado siyang century na ang itinagal ng buhay ni Zero.” “Really? Paano niya nalaman?” “Sa mga mata, Kamahalan.” Biglang entra ni Raikki na lumilipad. He landed on the table. “Nakita ko sa kanyang mga mata. Nabuhay na siya ng matagal sa mundo at alam na niya ang lahat ng kailangan niyang malaman. Pero sa pagkakataong ito lamang nagising ang guardian na akala nilang sa kanila ngunit sa ‘yo naman. Kaya’t iyon ang habol nila.”  “Sa madaling salita, Thea, ikaw ang habol nila.” Alam ko na iyon eh. “Oh tapos? Ano ba iyong guardian?” “Nasa loob mo siya, Althea.” Sagot ni Cheen na tinuturo ako. “Kailangang maging isa ka sa guardian mo bago mo makuha ang kapangyarihan na dapat sa ‘yo. At bago rin mangyari iyon, kailangan mong magising.” “Magising?” “May mga alaalang ikaw lamang ang nakakakita, Kamahalan,” salo ni Raikki. “Limitado lamang ang nalalaman ko at maski na sa akin ay hindi ipinaliwanag kung bakit. Ikaw lamang ang maaaring makaalam ng lahat.” “Ang haba ng process. Eh teka anong role ni Zero rito?” “Edi kalaban. Tignan mo ito.” Pagkatapos ay ipinakita ni Cheen sa akin ang laptop niya. “Walang records ng kahit na sinong Zero Schneider for the past years. Lumitaw lang siya simula nang ipinanganak ka and that would be on the years 1993 to 2011.” “Oh anong problema roon? Malay mo roon din sa years na iyon siya ipinanganak.” “Aisht! I’ll sponsor your surgery, Thees. Paretoke ka na ng utak, sumusobra na pagka-engot mo.” Inirapan ko lamang ang pambubuska niya na inilingan lang niya. “Matalino ka, hindi ba? Umayos ka nga. Ganito iyon. Zero don’t age, okay? Nananatili siyang twenty years old mula 1993 hanggang ngayon. Because he’s a beast. He’s a superhuman. Iba siya sa atin. Ibig sabihin no’n, noong nabuhay ka na saka lang nila naramdamang may kailangan silang hanapin. At ikaw iyon.” Weirdo talagang pakinggan. Because if Zero’s twenty years old simula nang ipanganak ako hanggang ngayon de imortal na siya? Hindi na siya tumatanda? Hindi na niya kailangang mag-Olay o kaya’y magpa-Belo. “Edi pwede nila akong atakehin kahit saan? Pareho kaming prefect, haler? Pwede silang sumugod anytime anywhere.” “Lubhang malungkot ang mabuhay sa habang panahon, Kamahalan. Hindi na nila gugustuhin pang katakutan sila ng ibang tao dahil sa paglaon ay masasakop na rin ng tao ang mundo at mawawala na ang mga katulad nila. Kaya’t hanggang maaari ay hindi sila magpapakita ng kahit na anong intensyon upang takutin ang mga tao.” “Kaya ibig sabihin,” panegunda ni Cheen. “susugurin ka lang nila kapag mag-isa ka.” Gano’n? At doon natapos ang pag-uusap namin nang gabing iyon. Napapitlag na lamang ako mula sa alaalang iyon nang mamataan ko si Zero na hindi pumasok sa classroom namin kahit pa nadaanan na niya iyon. “H-hoy! Saan ka pupunta? Oras na ng klase, hindi ka pwedeng magbulakbol!” “I’m a prefect, idiot. Exemptions.” Takte. Dapat pala hindi ko pinauso ‘yang exemptions na ‘yan, eh. “H-hi, Althea. For you.” Ang gulat ko na lamang nang may nag-abot sa akin ng flowers. Pambihira, pinagtitinginan na naman ako. Pabuntong hininga kong hinawi ang boquet na dinuduldol niya sa mukha ko. “Sa ‘yo na ‘yan. May hahabulin pa ako.” Tumakbo ako para habulin si Zero. Nabangga ko si Ryle pero hindi ko na pinansin dahil nga nagmamadali ako. Isa pa’y sorry lang naman ang sasabihin ko kaya next time na lang. Natagpuan ko si Zero sa rooftop. Nakatayo siya sa may railing. “May balak ka bang tumalon?” “Kahit tumalon ako hindi ako mamamatay.” Oo nga pala. Nakakatakot lang kasi. Malakas ang ihip ng hangin sa rooftop na mismong ang uniform niya eh halos liparin ng hangin. “Huy,” untag ko. “Prefect ka. You can’t set a bad example for students.” “Natatakot ka, hindi ba?” “Huh?” Patalikod siyang tumalon pababa sa railing. Diretso pa rin ang tingin niya sa kawalan habang umiihip ang malakas na hangin. “Kapag itinulak kita r’yan mamamatay ka. Pero ako, kahit tumalon ako ng ilang beses mabubuhay pa rin ako. Hindi ka ba natatakot, Althea? Pwede na kitang patayin ngayon. Pwede na kitang saktan ngayon. Hindi ka ba natatakot?” Heto ang mahirap kapag hindi tao ang kausap mo, eh. “Natatakot. Pero—” “Pero ano?” He pinned me against the wall. Iyong mga mata niya, namumula na naman. As in scary red. Hindi iyong tipong luluha siya ng dugo. Iyong tipong kakain siya ng tao. Iyong tipong kakainin niya ako. “Natatakot ka ba?” Ah s**t! Ang mata ko. Bakit ang sakit? Parang dinudukot. Pero wala naman. Si Zero kaya ang may gawa nito? “Althea…” Nakita kong nawala ang pula sa mata niya. Lalong sumasakit ang mata ko. Pakiramdam ko anumang oras bigla na lang akong mawawalan ng paningin. “Idiot, what’s happening to you? Bakit mo tinatakpan ang mata mo?” inaalis niya ang mga kamay kong nakatakip sa mata ko. “It’s hurting. I don’t know why, it’s hurting!” aniya ng tinig kong hindi ko halos makilala. It was laced with panic. “Anong gagawin ko? Anong kailangan mo?” “Aisht! Lalong sumasakit ang mata ko sa kamangmangan mo, Zero!” Ang sakit. Parang sinasaksak. Hindi ko alam kung nananaginip ako o ano. Bigla ko na lang nakita ang lumang fountain pen na kahoy sa may paanan ko saka naging itim lahat ng nasa paligid ko. Wala na akong nakita, wala na rin akong narinig. “Althea… Althea…” Panaginip? Nasaan ako? Bakit ako nakakakita ng batang babae na naglalaro sa damuhan? Hindi. Alam ko na. Nakita ko na siya dati. Siya iyong babae na dapat patay na pagkatapos masagasaan ng truck sa square noon. “Althea.” Tinatawag niya ako sa mapanghalinang tinig. “Sino ka?” Nawala siya. Dumilim ang paligid. Ngayon sigurado na akong nananaginip nga ako. “Althea.” Lumingon ako. Walang salamin pero parang nakita ko lang ang eksaktong itsura ng sarili ko sa kanya kahit magkaiba kami ng suot. Tingin ko damit ng mga sinaunang babaylan ang suot niyang puting tela. Pambihira, daig pa niya ang kurtina eh. Ang luwag sa braso. Pero sabi ni Sir Ed gano’n daw ang suot nila noong something something BC and AD. “Ikaw… bakit… bakit kamukha kita?” “Dahil ikaw ay ako.” Ano raw? Napapakunot ako ng noo sa lubhang pagtataka. “Ikaw… ay ako? Sino ka ba? Paano nangyari iyon?” “Ako ang buhay mo sa nakaraan. At ako rin ang magtuturo sa ‘yo upang mabali ang sumpa sa ‘yo at sa gabay.” “Gabay?” taena para na akong echo rito, ah. Ano ba naman kasing klaseng terminology ang ginagamit nitong mga nilalang na ito? “Si Raikki ay iyong gabay. Siya rin ang aking naging gabay sa nakalipas. Nasa kanya ang susi para magising ang kapangyarihang taglay ng mga mata mo. Sa paggising mo mula sa pagkakahimbing na ito, may ilang bagay na maaalala na ng iyong kaisipan at dapat maging handa ka, Aricia. Marami pang pagsubok ang naghihintay sa ‘yo.” Napapanood ko itong ganitong eksena, ah. “S-sandali! Anong itinawag mo sa akin?” Ngumiti lang siya. Nakita ko siyang lumutang. Naglahad siya ng palad sa harapan ko. “Kunin mo, Kamahalan. Ikaw at ako… ay dapat na maging isa.” Siya… siya ba ang guardian ko? Ewan. For some reason, iniabot ko ang palad ko sa kanya. Pareho kaming nawala. Parehong napadpad sa kung saan. “MILADY, not that way!” Napalingon ako sa likuran ko. Kilala ko kung kaninong boses ‘yon. Lalo akong naging sigurado nang makita ko siya. Pero hindi. Agad ko ring binawi ‘yon. Si Raikki. Paanong naging pagma-may ari ng isang matangkad at lalaking-lalaking nilalang ang boses ni Raikki? Not unless… siya ‘yon. “I’ve done enough. If you want to finish him then do it yourself.” Bakit nga ulit ako nag-i-english? At saka bakit kami nasa disyerto? “Shall I mark my hands dirty for the sake of Milady?” “Why not? It’s you that they want. I’m only doing you a favor, going out of my damned way to kill your enemies. Now I’ve done my part and it’s time for you to do yours.” Lumuhod si Raikki. Shocked ako pero bakit hindi iyon ang ipinakita ng mukha ko sa halip ay mas gumuhit ang kalupitan sa akin. “Forgive me, Milady, please do. It is not my intention to burden your travel. I only want you to have what you must deserve.” “I have to ask for your forgiveness as well, Raikki.” Hinuhubad ko ang kwintas. Ang kwintas na ‘yon… “This is the only way that I can think of… For the safety of the both of us… Forgive me, my loyal keeper. But I must do this for your sake.” Inihulog ko ang kwintas sa buhanginan. Nararamdaman ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin habang lumalayo ako. Ito ba? Ito ba ‘yon? Ito ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng sumpa sa aming dalawa? “Althea!” Mahabang hininga ang pinakawalan ko pagkatapos ay bumangon ng biglaan mula sa pagkakahiga. Kinapa ko ang kwintas ko sa may paa ko. Doon ko kasi ipinulupot iyon para hindi makita ni Zero. Nando’n pa. Hindi natanggal. Nagpalinga-linga ako. Heto ang problema. Nando’n si Zero. “O-oy, anong ginagawa mo rito?” Lumingon siya. Kausap niya si Cheen na mukhang takot na takot. Tumakbo si Cheen papunta sa akin at niyakap ako. “Waaaah, Thees, nakakatakot talaga ‘yang partner mo!” Ano na naman kayang ginawa? Tumayo ako. Tumingin si Zero sa akin. “Anong nangyari?” tanong ko sa kanya. “Hinimatay ka kanina. Sabi mo sumasakit ang mata mo pagkatapos ay hinimatay ka na matapos mong umatungal ng umatungal. Dinala kita sa infirmary para makapagpahinga. Kulang ka raw sa tulog sabi ng nurse.” “Sya sige, salamat.” Nakita ko siyang parang natigilan nang magpasalamat ako at lampasan namin ni Cheen na hatak ko. Napatigil tuloy ako sa harapan ng pintuan kung saan siya malapit. “Anong problema?” “W-wala. Pwede bang—” “Althea!” humahangos na lumitaw si Ryle sa pintuan kasunod si Zoe na nakita ko na naman ang iritadong mukha. Pambihira, wala talagang kupas. Pumasok ang hangin sa bukas na bintana. Nakita kong nagtakip ng ilong sa Zero pagkatapos ay dali-daling lumabas ng infirmary. “Oh anong nangyari sa partner mo?” nagtatakang tanong ni Cheen. “Malay. Maligo kasi kayo, Ryle.” ‘Tapos nilampasan ko siya na hinahatak pa rin si Cheen. “Huy, saan tayo pupunta? Hindi mo ba kakausapin sina Zoe at Ryle? Althea! Huy! Kabayo ka ba? H’wag mo nga akong kaladkarin!” “Syatap, kailangan na nating umuwi.” “May klase pa.” “Si Mr. Cain na ang bahala roon.” Hindi na siya umangal at nagpahila na lang. Gaya ng dati ay tinakbo namin ang mula Saint Claire hanggang sa bahay. Nakakahiya. Naka-uniform kami. Halatang nag-ditch ng klase. Pagdating namin sa bahay eh halos maglupasay na si Cheen. “Wala namang nangyari kay Raikki, ah! Sayang iyong klase.” Hindi ko siya pinansin. Nakatingin lang si Raikki sa akin. Kinuha ko siya. Hinaplos ko ang maputi niyang balahibo. Pakiramdam ko gusto niyang matulog sa mga palad ko. Raikki. How could I do that to him? “Aaaaaaah!” Tumalikod kaagad si Cheen matapos niyang makita ang nagtatago sa puting liwanag. Tumayo ako at pinabayaang ma-okupa ni Raikki ang buong kama. Kapalit ng maliit na ibon ay nakahiga ang walang malay na lalaki. Agad akong kumuha ng kumot para kumutan siya. “I hate you, Thees! Bakit hindi mo sinabi kaagad?” patuloy na tili ni Cheen habang nakatalikod. “I don’t have time. Let’s go. Hayaan na natin siyang magpahinga.” “S-si Raikki ‘yan? Hindi nga? Seryoso?” Ngumiti lang ako at hinaplos ang maputi at mahabang buhok ni Raikki bago hinatak si Cheen palabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD