Prologo

156 Words
Simbahan? Altar? Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong itanong ang mga bagay na hindi ko maintindihan. Gusto kong sabihin sa kanya ang matagal nang bumabagabag sa buong sistema ko. Pero hindi ako makapagsalita. Bakit ako? Anong nakita mo sa akin at ako pa? Wala akong ginagawang masama. Wala naman akong ibang hinangad kung hindi ang mamuhay ng tahimik at matiwasay. Malayo sa kanila. Malayo sa pagiging iba. Nand’yan na naman. Naririnig ko na naman ang mga yabag. Wala na akong iba pang matatakbuhan. Nakita ko ang dambana sa aking harapan. Nakatingin siya sa akin. Ang mga yabag, papalapit ng papalapit. Papalapit ng papalapit. Nand’yan na siya. Ang bigat… Nakakatakot… Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakasandal sa altar. Napakalamig ng sahig na kinauupuan ko. Nakita ko siya. Ngumiti. Nakaramdam ako ng lubos na saya. Ngunit agad ding napawi iyon. “P-patayin?” Patayin…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD