Makalipas ang ilang minuto, binaba na ng mga staff ang painting at ibinalik sa display shelf para makita pa ng mga hindi pa nakakita ng malapitan. Bumabaha pa rin ang mga alak at mga pagkain, ang iba naman ay nasa gitna na ng dance floor at nagsasayaw, nagsasaya at nagtatawanan. Walang ibang pinag uusapan kundi ang okasyong ngayon lang nila nasaksihan. Sa mala fashionistang mga kasuotan at mala catwalk model na mga bisita lahat ay nagsasaya. Hindi magkamayaw si Ella at MJ sa mga bumabati, ang iba ay nagtatanong na kung kailan ang next series niya. Meron namang mga celebrity na nagpapa interview, isa na rito si Mr. Murray na kinunan ng interview at ngayo'y patay malisyang sumusulyap sa kanya. Patingin tingin ito kina MJ at Ella na ngayon ay nakaupo at nagtatawanan sa kabilang mesa, kasama

