NAKARATING SI Georgianne sa isang parte ng bukid kung saan ang mga nagtataasang mga puno ang naroroon. May tree house roon kaya naman inakyat niya ‘yon at doon tumambay. Humaplos sa balat niya ang sariwa at preskong hangin. Mula sa itaas, kitang kita niya ang napakalawak na azucarera ni Jaime. Napakalaking lupain! Tila walang hangganan! She never thought that she would learn to love this province. This hacienda. Para sa kanya, ito na ang kanyang tahanan. Kaya naman masakit isipin na matatapos na ang lahat ng ito at babalik na siya sa Maynila. Alam naman niyang doon ang hantungan niya. May hindi sila pagkakaunawaan ni Jaime. Ni-reject niya ito. Hindi naman siguro nito nanaisin na makita pa siya roon, hindi ba? Napabuntong-hininga siya. Kung sana ganoon lang kadaling tanggapin ang pag-ibig

