FOUR YEARS AFTER "Senyora Georgianne, and'yan na po si Ka Ebo. Kukunin na po ang inorder na uling!" sigaw ni Matet mula sa baba. Naitirik ni Georgianne ang kanyang mga mata. Noon hanggang ngayon ay walang pagbabago si Matet. Napakaeskandalosa talaga. Akala mo laging may sunog kung makasigaw ito. 28 anyos na siya ngayon. At masasabi ng babae na talaga namang naging productive ang mga nakaraang taon ng buhay niya. Naging isa siyang ina, asawa at mabuting Senyora ng Hacienda La Amarillo. Hindi na rin siya nagpapatawag ng Senyorita, may asawa na siya kaya naman Senyora na ang tawag sakaniya sa lupain. Si Jaime ay hindi na rin tinatawag na Senyorita. Don Jaime na ang tawag dito. Kay bilis talaga ng panahon. Hindi na kailanman pumasok sa isipan niya na ipagpatuloy pa ang kursong tinapos at m

