“COME ON, Georgianne! Tumayo ka r’yan at magsaya tayo!” malakas na sabi sa kanya ni Jonas dahil kung hindi ito sisigaw malamang ay hindi niya maririnig ito. Paano ba naman, dinaig pa yata ng mga speaker dito ang mga bar na napuntahan niya sa Maynila at sa ibang bansa. Talagang makabasag eardrums! Namumula na ang buong mukha ng binata na kahit sa moreno nitong balat ay mahahalata iyon. Naparami na kasi ang nainom nito. Talagang ini-enjoy nito ang pagliliwaliw. Ayon nga rito, matagal-tagal na noong huling tapak nito sa ganitong klaseng lugar. Nahawa na raw yata ito kay Jaime na walang alam gawin kundi ang magtrabaho. Pero hindi feel ngayon ng dalaga magenjoy ng todo-todo. Hindi niya trip magsayaw sa dance floor at painitin ang mga mata ng lalaki at kumuha ng atensyon. Sa buong durasyon na

