Kabanata 19

1043 Words

HINDI MAIPINTA ANG pagmumukha ni Georgianne habang nakapamewang na tinitignan si Jaime. Naroroon na sila sa bukid at ipinatawag nito ang mga tauhan. "Magandang umaga ho saating lahat. Ito nga ho pala ang Senyorita Georgianne niyo... tutulong siya saatin dito sa rancho at gusto ko sanang respetuhin niyo siya gaya ng pagrespeto niyo saakin." panimula ni Jaime. Nagsitaungan ang mga trabahador. "Senyorito, siya ho ba ang kasintahan niyo? Aba'y bagay na bagay nga ho kayong dalawa. Parehas maganda at gwapo..." komento ng isang matanda roon. Tumango ang isang ale na medyo may ka-edaran na. "Napakaganda mo hija para kaming nakakita ng artista ngayon!" May mga batang nagsalita sa likod. "Senyorita, senyorita! Ang ganda ganda naman po ng kutis niyo, parang gatas! At ang ganda ganda niyo rin po,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD