ARAW NG LINGGO. Kadalasan, kapag ganitong araw ay pinag de-dayoff ni Jaime ang mga trabahador sa hasyenda. Ito kasi ang araw ng pang-pamilya. Kaya naman ngayon ay araw din ng pahinga ni Georgianne. Kung noong una’y siguro magkukulong siya sa kanyang kwarto at iniisip kung gaano siya kaawa-awa sa probinsyang ‘yon, ngayon ay hindi na. Bagkus, maaga pa siyang nagising na ikinagulat ng lahat. “Magandang umaga ho!” maging ang pagbati sa mga kasambahay ay natutunan na rin niya. Kasi sa mansyon nila, hindi siya marunong bumati ng mga kasambahay. Supladita ang datingan niya. Kaya naman ilag sakaniya ang mga kawaksi sa bahay, tanging ang yaya niya lang dati ang nagtiis sa ugali niya. Iyon nga lang, sa kasamaang palad ay hindi na niya alam kung nasaan na ito ngayon. Napangiti ang lahat ng mga k

