Chapter 3

3281 Words
Nikki   I WOKE UP the next morning and found myself alone in bed. Napabalikwas ako at napaupo sa kama. Where was he? Baka umuwi na. He left the bedroom door open. Hinagilap ko ang phone ko sa side table. I checked the time. It’s already nine in the morning. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Mabuti na lang at wala akong hangover. Pero masakit ang ulo ko sa puyat. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi, first time kong may katabing lalaki—estranghero pa. Was he really still a stranger, Nicole? Napaungol ako, I don’t like where my mind was going. His tongue was down on my throat last night. I enjoyed his kisses and advances. D*mn it! Padarag akong bumangon ng kama at dumiretso sa shower. I need a cold shower. Just thinking about his kiss made me want to do it again. Sh*t! He’s turning me into a wanton woman. Think about something else—med school, syringes, car racing, music, club, Hunter, his kiss. Godd*mn it! Stop it! Nagtagal pa ako nang ilang oras sa shower at dinama ang malamig na malamig na tubig. Hindi ko ininda kahit mag yelo pa ako dito. There’s something about that man that brings out the heat in me. Nang kumalma ang init sa katawan ko ay lumabas ako ng shower at inabot ang towel. Nanunuot sa ilong ko ang amoy niya dahil ang towel na ginamit niya ang nahagip ko. Ang bango. Ibinalot ko sa katawan ko iyon. Hinanap ko ang robe ko pero naiwan ko nga pala sa kuwarto. I brushed my teeth and didn’t bother drying my hair. Hindi na rin ako nag-abalang suklayin. Towel dry was fine at mamaya ay kamay na lang ang gagamitin ko sa pag-ayos tutal ay maiksi naman ang buhok ko. This is what I like with pixie cuts. Papunta na ako sa walk-in closet ko para kumuha ng damit nang may marinig akong tunog galing sa cellphone ko. Someone sent me a text message kaya dumiretso ako sa kuwarto at ipinagpaliban ang pagkuha ng damit. Dinampot ko ang telepono ko. It’s Hails! Ang walang hiya at kay aga-aga ay puro kahalayan na agad ang nasa isip. Kumusta ang umaga ng naka-first kiss? Nilagyan pa ng emoji ng nanghahalik at nakadila. Bruha ka! Nasobrahan ka na naman ng puyat sa pagbabasa ng erotic novels mo. Nag-reply na naman ito. Hindi sa erotic novels ako napuyat, sa live show mo sa club kagabi hahaha! Nilagyan ng peace sign emoji. Itong babaeng ito talaga, minsan gusto ko ng tuktukan. Tse! Iyon lang ang nai-reply ko. I was so busy sending her text messages that I didn’t notice someone’s leaning on the door frame. His arms were folded across his chest and staring at me with amusement in his eyes. Naibaba ko ang phone sa night table at dinalawang kamay ang pagkapit sa towel ko. It’s not a big towel, medyo maliit iyon at hanggang kalahating hita ko lang. Akala ko naman ay umalis na ang lalaking ito kaya kampante akong lumabas nang nakabalot lang ng tuwalya. Kasalanan ito ni Hailey, e. Naku! Babawian ko talaga ang babaeng iyon. “You’re s-still h-here?” nauutal kong tanong sa kaniya. I looked at him and he’s wearing his jeans, and the spare white shirt I gave him last night. The corner of his lips turned up and walked towards me. Sumampa sa kama at nag-short cut. Napaatras naman ako. “W-what do you t-think you’re d-doing?”Stop stuttering, Nicole. Napasandal ako sa pader sa kakaurong palayo sa kaniya. Inilagay niya ang magkabilang kamay niya sa pader at pinagitnaan ako. He caged me. “Are you seducing me?” “What?” Tinakasan ng dugo ang mukha ko sa sinabi niya. “You came out from the shower wrapped in a skimpy towel, wet hair in disarray and still dripping with water.” His face was so close to me that I can smell his fresh breath. “I thought you left.” Iyon naman talaga ang totoo. Lalabas ba ako nang nakatapi lang ng tuwalya kung alam kong nandito siya sa pamamahay ko? He smiled but his eyes were burning with desire. “I just went downstairs, I woke up early and had coffee. I went back to check on you and you were still sleeping. When I brushed my teeth, you didn’t even hear the water running in the bathroom. Tulog mantika?” tukso niya. Tinaliman ko siya ng mata at nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Siya na nga itong nakitulog ay ako pa ang bawal mag-sleep in sa sariling kong bahay. Ay iba! “Baka bahay ko ito kaya puwede akong matulog kahit hanggang bukas pa.” Sinubukan kong kumawala sa kaniya at lulusot ako sa ilalim ng braso niya pero bahagya niyang ibinaba iyon. Ngayon ay nasa kapantay na ng baywang ko ang kamay niyang nakatukod sa pader. There’s no escaping him now. Napalunok ako. “I was just teasing you. Relax.” He smiled and I sighed. “Why pikon agad, babe?” “Nakakainis ka lang. And why are you calling me babe anyway? I have a name you know. It’s Nicole.” Sinimangutan ko siya. “What’s wrong with babe? I thought women liked it.” He sounded and looked amused at the same time. “Women, huh? Plural talaga?” Nainis ako lalo. Ilang babae ba ang dumaan sa kamay nito at parang expert na expert pati sa endearments? “Selos agad?” nanunukso ang ngiti niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. “I need to get dressed,” sabi ko sa kaniya. “Move.” “Not until you give me a good morning kiss.” He was too close to me. Nanlaki ang mata ko. “What? No!” Iniwasan ko ang mata niya. “No? Aren’t you supposed to greet your boyfriend good morning with a kiss?” nanunukso ang tinig niya. At papalapit nang papalapit ang labi niya sa akin. Ang isang kamay niya ay humawak sa mukha ko at marahang pinaglalandas ang hinlalaki niya sa ibabang labi ko. “S-stop teasing me.” Kinakapos ako ng hinga sa ginagawa niya. “Kiss me good morning then,” utos niya. Binigyan ko siya ng isang smack sa pisngi. Natawa siya. “That’s not the good morning kiss I was asking for.” Lito ko siyang tiningnan. “This—is how you kiss your boyfriend good morning.” He grabbed my nape and his lips met mine. Sa pagkagulat ko ay napabuka ang bibig ko at ginamit niya ang pagkakataon na iyon para ipasok ang dila niya. That was one hard, hot kiss. He nibbled my lower lip and tried to get some air. He rested his face on the crook of my neck and wrapped me in a tight embrace. “You have no idea how much control I’m pulling right now not to take you in my arms.” I can feel his erection poking on my tummy. I can even feel his heat radiating at kahit nakabalot ako ng towel ay tumatagos iyon sa himaymay ng katawan ko. “I’ll take a cold shower when you’re done.” He took a deep breath. “You should get dressed, I’m giving you five minutes to put your clothes on or I’m coming in and I won’t be able to stop myself. Go. Now.” Parang hirap siyang magsalita. Hinalikan niya ako sa noo ko at pinakawalan ako. Dali-dali akong naglakad papuntang closet at nagbihis doon. I got a pair of underwear and put it on, took the first jeans I saw, picked the striped long sleeves I saw hanging and put on my strappy sandals. Sinuklay-suklay ko buhok gamit ang kamay at dali-daling lumabas. Wala pang limang minuto lahat iyon. That’s a record for me. I usually take time to pick my clothes but not today. Paglabas ko ng closet ay kasalubong ko siya at pumunta sa banyo saka isinara ang pinto para mag-shower ng walang sabi sabi. Ako naman ay kinuha ang cellphone ko sa night table at bumaba sa salas ng napakabilis. We can’t be in the same room right now, lalo na sa bedroom. F*ck! The s****l tension between us was too great. Ang bag ko ay nasa salas. Dumiretso ako sa kusina para gumawa ng kape, but he already made coffee. I poured some in the mug at humigop. There’s also food on the table. Curious kong tiningnan ang paper bag. Lumabas siguro siya kanina at nagpunta sa bakery. He got us some croissants. Pinakialaman ko na at nagugutom na talaga ako. I had some cream cheese left in the fridge. Binalot ko sa paper towel ang croissant at pinaandar ang microwave ng pitong segundo. Voila! Parang bagong labas na sa oven ang tinapay. Habang nag-eenjoy ako ng agahan ko ay tumunog uli ang cellphone ko. This time, it was from Dom. Buti naman at nakauwi ka nang maayos. Hangover?  Nag-reply ako. Nope, tatlong margarita lang ang ininom ko. Nothing hard.  How about Hailey? She only had two drinks, enough to drive us home. Did the two of you do anything stupid?  Napaisip ako. Wala naman sigurong nakakita sa amin sa Kings & Queens na nakikipaghalikan ako.  No - behave kami.  Hmm. Why do I feel like you’re hiding something? Para kang sira! Tigilan mo ako ang aga-aga.  Sa text lang naramdaman na niya, paano pa kung magkaharap kami at magkausap. Ang lakas kasi ng sensor ni Dom. Nakakainis! Siyempre ako todo-todo na ang pagtanggi. She told me about the charity date. Are you up for it? Nope. She made a bet instead and I won. So you’re off the hook then. What was at stake? My GT. Good thing, you won. Although, I think mom was right. You should do the charity date and meet guys for a change. You’re spending too much time with cars. Hindi naman nakakabusog iyon. Ang kulit mo. Ikaw na lang kaya ang mag-charity date, ano sa tingin mo? No can do—baby pa ako. Tse! baby damulag kamo. Sige na kakain muna ako. Okay, enjoy!  God! That croissant was good! I’m full. I was finishing my coffee when I saw him coming down the stairs. Suot na niya ang damit niya kagabi at nang lumapit siya sa akin ay nasamyo ko ang detergent na ginamit niya. Katulad iyon ng gamit ko. Sinalang niya siguro kanina sa washer pagkagising. I have my own washer and dryer in the unit. It’s handy lalo na kapag nasa trabaho ako. I don’t have time to go to the laundromat. Kapag natatapos ang duty ko sa hospital ay patang-pata ang katawan ko. “You washed your clothes?” tanong ko sa kaniya. “Yes, I hope you don’t mind. Pinakialaman ko na kaninang umaga nang magising ako.” Wala man lang bahid ng hiya. Feel at home talaga ang trip niya. Tsk! “That’s fine. You had breakfast I assume?” It would be bad kung hindi pa siya kumakain at nilantakan ko iyongtinapay na binili niya. He nodded. Nakahinga ako nang maluwag. “Tapos na, masarap ang tinapay sa bakery riyan sa baba. I got you one.” “I already ate it. Thank you.” Ngumiti siya. So, akin talaga Iyong kinain kong tinapay. At least, ha, naalala niya akong pakainin. Not bad. “So where are we going today?”pagkuway tanong niya sa akin. Nasamid ako sa kape ng ininom ko. “We?” I reached for the Kleenex on the table and wiped my lip. “I was thinking you can show me around. May gagawin ka ba ngayon?”Iyong tono, parang umaasang wala akong gagawin at siya lang ang aasikasuhin ko buong araw. “Wala naman.” Nagkibit-balikat ako. I just really planned on staying at home. “E, bakit ka nakabihis?” His eyes were dancing at mukhang amused na naman. “Dapat ba hubad ako?”mabilis na sagot ko at napatakip ako sa bibig ko. Pahamak! At huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko. Humagalpak siyanang tawa, iiling-iling at maluha-luha na. My face instantly flushed. “I mean—sabi mo magbihis ako kanina at binigyan mo ako ng limang minuto, this is the first thing I saw.” Tinaliman ko siya ng mata para makabawi sa pagkapahiya ko kanina. Me and my mouth. “You’re so funny. Pahalik nga.” Before I knew it, he already leaned over and crossed the distance between us to give me a quick kiss on my lips. “Nakakailan ka na!” sabi ko sa kaniya. He grinned at me. “Nagbibilang ka?” Namula ako. “Hindi. Pero last mo na iyan!” “We’ll see about that.” He looked so sure it will happen again at kahit gusto kong kabahan ay gusto ko pa rin maulit at tikman ang mga labi niya. Ano ba iyan? Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Sinuklay-suklay ko ang buhok ko. I do that when I am tense. Umiinit ang mukha ko, at nahuli kong nakatitig siya sa akin. “What?” tanong ko sa kaniya. “I think you’re the most beautiful woman I’ve seen without make up on.” He looked enchanted. At sa sinabi niya ay naghatid sa akin ng sobra-sobra. Thatmade me blush. “Bolero.” Nagkibit-balikat lang siya. “Just saying what’s on my mind.” Parang sss status lang?“Wala akong gagawin ngayon. Where do you want to go?” Iniba ko na lang ang topic para hindi na lumalim pa. “You tell me, it’s my first time here in the country.” Kibit-balikat na sabi niya sa akin. “Ano ba ang trip mo gawin? Baka mamaya mag-aya ako ng extreme sports tapos lalamya-lamya ka pala. Tss!” tukso ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mata niya at napailing. “Ako? Malamya?” Tumango ako. “Baby, I can be many things but I will never be malamya.” “Ows? Ano’ng kaya mong gawin? Sige nga, tell me,” I dared him. “Kaya kitang buntisin,” nakangisi niyang sabi at nangalumbaba pa para titigan ako. Salita at gawa wala akong suutan sa kaniya. He turns everything s****l without even trying. D*mn! That was smooth as f*ck! Umiwas ako ng tingin para itago ang hiya ko. I cleared my throat and said,“I didn’t say anything s****l, you moron! I meant sports, adventures… mga ganoong bagay,” paglilinaw ko sa kaniya. “Lilinawin mo kasi.” Ang ngisi niya ay hindi mabura-bura sa pagmumukha niya. “Kay aga-aga, puro kahalayan ang nasa isip mo. Gutom ka pa yata, e,” komento ko sa kaniya. “Gutom nga.” Tumikhim siya. “Sa iyo.” And his shoulders started shaking habang pinipigil ang tawa. He was clearly teasing me even more. Akala ko ay tapos na kanina ang panunudyo niya. Binato ko siya ng gusot na kleenex. Nakaiwas naman siya at patuloy pa sa pagtawa. “T*rantado ka! Lumayas na nga tayo, puro ka kalokohan.” Hindi pa rin siya tumatayo sa upuan niya at tawa nang tawa. Inabot ko ang kamay niya at hinigit siya.“Halika na,” pag-aaya ko sa kaniya. Lean ang kaniyang pangangatawan kaya ang hirap hilahin. Palibhasa maliit ako, at nakikipagkulitan siya—nang higitin niya ako ay napaupo ako sa kandungan niya. “Ano ba!” Inikot niya ang braso sa baywang ko at kinunutan ko siya ng noo. “Relax, tell me where you’re taking me first.” Ipinatong niya ang mukha niya sa balikat ko. He even nuzzled my neck. Ah! Hindi ako makapag-isip nang tama. “I–uh–”Sh*t! Focus, Nicole. Deep breaths.“Pasado alas-diyes na kasi, I was thinking I’ll take you to Tagaytay and have lunch there. Tutal hindi ka pa nagagawi roon. I’ll show you the smallest volcano in the world while we’re there.” He looked amused. “Okay, that sounds good to me. Give me the keys.” Nagpakailing-iling ako. “Nope.” “Why?” kunot-nooniyang tanong. Asa pa siya. “No one drives my car but me.” It’s like a first commandment to me. He raised an eyebrow. “Not even your brother?” Mukhang hindi naniniwala at hinahanapan ako ng butas. Tumango ako nang paulit-ulit na parang bata “Yes, not even Dom.”No one nga eh, ano ba? “Okay, I’ll let you drive today but next time I will be driving for you,” sabi niya sa akin. What was it with men driving their women? We live in a modern world now, hindi naman palaging lalaki ang masusunod. “As long as it is not my car, that’s fine,” nakangisi kong sabi sa kaniya. He was silent for a minute then kissed me on my cheek. “Come on, let’s hit the road.” He put his arm around me. We took the elevator down to the lobby and I stopped at the office for a second. I filled up paperwork and put his name for the list of my visitors. Then we got out and walked to the parking lot. He whistled. “Sweet car!” “Thank you,” nakangiti kong sabi. “Let me drive it.” Ang kulit. Sabi na ngang walang pwedeng humawak ng manibela bukod sa akin. “No.” Ulit ko sa kaniya. “Come on. Just once.” Ang kulit talaga. “No. Kapag nagpilit ka pa, huwag ka na lang sumama. Masarap pa naman ang bulalo doon. Kumakain ka ba nun?” “Nakakain na ako ng bulalo kapag nagluluto si Lola, but I haven’t tasted the one made here yet,” kuwento niya sa akin. “You’ll like it, it’s authentic.” “So you’re saying hindi authentic ang kay lola?” He was grinning. Why do I have a feeling he’s planning to say something to get back at me later? “Hindi sa ganoon.” “I’ll let her know what you said about her bulalo so that when you meet her, she’ll know you right away.” Pumasok siya sa loob ng kotse at naupo sa shotgun seat. Napapadyak ako sa inis. “Don’t you dare!” Pumasok na rin ako at naupo sa driver’s seat. Iiling-iling ito at natatawa, saying-saya sa pang-iinis sa akin. “It’s not like I’ll meet her for real but the thought makes me want to p**e. I don’t like being rude to elderly, you brute!”I drove the car out of the parking lot and make a right. With all the new bridges, highways and shortcuts—madali kaming nakasampa sa Star Toll. “Oh, believe me, you’ll meet her.” Inirapan ko siya. “Three months, remember??” Natigilan siya at natahimik. Then he said,“We’ll see.” What did he mean by that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD