Nagising si Jeremy na masakit ang ulo. Sino ba naman kasi ang hindi sasakit ang ulo kung ilang bote ng alak ang ininom niya kagabi para lang makalimot kahit saglit lang. Hindi siya tumigil sa pag-inom hangga’t may malay pa siya. Hindi niya iniisip na hindi pa siya kumakain simula nang tanghali dahil sa paghihintay niya sa dalaga. Inilagay niya ang kanyang braso sa mga mata niya para takpan ito. Pero kahit anong takip ang gawin niya ay malaya pa rin nahuhulog ang mga luha niya dahil naalala na naman niya ang sakit ng nangyari kahapon. Gusto niyang isipin na panaginip lang ang nangyari kahapon, pero hindi, eh. Gising na gising siya ngayon at ramdam na ramdam pa rin niya ang sakit. Bakit ba naging ganito ang lahat? Ginawa naman niya ang lahat, ah. Bakit hindi naging sapat para mahulog

