“Je.” Napatingin si Jeremy kay Sandra ng tawagin siya nito.
“Bakit?” tanong niya nang makalapit na ito sa kanya.
Nasa counter kasi siya at may costumer kaya hindi siya pwedeng umalis. Napakunot-noo siya ng tila ba nagdadalawang-isip ito sa sasabihin. Tumingin siyang muli sa costumer na naghihintay.
“Pakihintay na lang po ang order niyo. Inihahanda pa po kasi. Ihahatid na lang ng waiter mamaya sa table niyo,” nakangiti niyang sabi dito. “Ito po ang number niyo.” Ibinigay niya dito ang number nineteen.
Napakagat-labi naman ito. “Number mo, Kuya, pwede kong mahingi.”
Kinilig ang dalawa nitong kasama na babae at nagtulakan pa. Napailing na lang siya dahil sa tingin niya ay mga high school pa ang mga ito.
Ngumiti siya. Kahit kailan naman kasi ay hindi nawawala ang ngiti niya kapag kaharap niya ang mga costumer. Kaya mas maraming nagkakagusto sa kanya na costumer, eh. Gwapo na, palangiti pa.
“Pakihintay na lang po ng order niyo.”
Napasimangot ang mga ito. “Ang KJ naman ni Kuya. Ang gwapo niyo pa naman po.”
“Salamat.”
Wala ng nagawa ang mga ito ng hindi niya talaga binigay ang number niya sa mga ito. Pumunta na ito sa mesa saka hinintay na lang na dumating ang mga order nito. Napailing na lang siya ng makitang kinukuhaan siya nito ng picture.
Mga bata nga naman.
Napatingin ulit siya kay Sandra ng wala ng costumer ang nakapila sa kanya. Nag-aalala siya sa kaibigan dahil parang may problema ito.
“Bakit ba? May problema ka ba?”
“Wala naman.” Napasandal ito sa counter saka napabuga ng hangin.
“Yan ba ang walang problema? Eh, mas malakas pa ang pagbuga mo ng hangin kaysa sa ceiling fan namin sa bahay, ah.”
“Gago ka talaga.” Babatukan sana siya nito, pero agad siyang lumayo.
Napatawa na lang siya. Kahit kailan napakamainisin talaga nito. “Ano ba kasing problema mo?”
Napatitig ito sa kanya kaya naman tinaasan niya ito ng kilay at tiningnan ng nagtatanong.
“Pinapatawag ka kasi nang matanda sa opisina niya.” Biglang nawala ang kanyang ngiti sa sinabi nito.
Ang matanda na sinasabi nito ay ang asawa ng amo nila. Ang matandang babae na in-offer siya ng malaking sahod, at mataas na posisyon, pero ang kapalit ay ang makipagsiping naman dito. Biglang umasim ang mukha niya.
“Ano daw kailangan niya?”
Nagkibit-balikat ito. “Hindi ko din alam, eh. Basta ang sabi niya, tawagin ka daw.” Pinag-cross niya ang kanyang dalawang kamay sa harap ng matipono niyang dibdib at napaisip. “Baka pipilitin ka na naman niya.”
Siya naman ang napabuga ng hangin at seryosong tumingin kay Sandra. “Kahit anong pilit, o kung ano man ang i-offer niya sa akin ay hindi pa rin ako papayag. Umabot ako kung nasaan man ako ngayon ay iyon dahil nagsumikap ako. Kahit kailan hindi ako kakapit sa patalim niya.” Tumayo na siya ng matuwid. “Sige, pupuntahan ko na muna siya. Ikaw na ang bahala diyan.”
Umalis na siya para pumunta ng opisina ng manyak na matandang babaeng ‘yun. Isang linggo na ang nakakaraan simula ng huli silang mag-usap. Ano na naman ba ang io-offer nito sa kanya para pumayag siya sa guso nito? Pero kahit bigyan pa siya ng milyon-milyon nito ay hindi niya tatanggapin.
Mas pipiliin na lang niyang mamalimos kaysa guminhawa ang buhay, pero magagamit naman siya ng matandang ‘yun. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya ang gano’n.
Kumatok muna siya bago pumasok. Mukhang hindi nito narinig ang pagkatok niya dahil nakatutok ito sa isang maliit na salamin na hawak nito habang naglalagay ng pulang lipstick sa labi nito.
Napailing na lang siya. Kung makapag-make up kasi ito ay parang dalaga pa. Okay naman na mag-make up ito kahit na matanda na, pero sana naman hindi iyong makapal. Para tuloy siyang masusuka sa mukha nito.
“Ma’am?” tawag niya dito para makuha ang pansin nito.
“Jeremy.” Agad na inaayos nito ang sarili saka itinago ang lipstick at salamin sa bag nito. “Pasok ka. Pasok.”
Huminga muna siya ng malalim bago pumasok saka ngumiti. Pilit siyang umaakto ng normal sa harap nito. Ayaw niyang magkaroon ng awkward atmosphere kapag kaharap ito. Lihim din siyang nagdadasal na sana tigilan na siya nito at huwag na siyang pilitin sa gusto nito.
“Pinapatawag niyo daw po ako?”
“Oh, yes. Please sit down.” Turo nito sa visitors chair. Bahagya siyang ngumiti dito saka naupo.
“May kailangang po ba kayo sa akin, Ma’am.”
“Oh, come on, Jeremy. Huwag mo na akong tawaging ma’am. Nagmumukha akong matanda niyan, eh.” Tumawa ito.
Mapakla siyang napatawa saka lihim na umasim ang mukha.
Matanda naman talaga kayo, eh. Nafe-feeling dalaga lang, he thought.
Nakisabay na lang siya sa pagtawa dito kahit napipilitan lang siya. Tumigil na din siya sa pagtawa ng tumigil na din ito.
“Anyways, itatanong ko lang kung napag-isip-isip mo na ba ang offer ko sa ‘yo?”
Biglang nawala ang ngiti niya saka sumeryoso ang mukha. Mukhang hindi pa talaga ito titigil. Tama nga ang naririnig niya noon na, hindi ito titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto nito.
Tumikhim siya saka tiningnan ito ng seryoso. “I’m sorry, Ma,am. Pero gaya pa rin ng una kong sagot. No.”
Tumayo ito saka hinawakan ang balikat niya. “Why naman?” pabebe nitong sabi.
Agad siyang tumayo saka iwinaksi ang kamay nito. Sa pagpatong ng kamay nito sa balikat niya ay nagsitaasan agad ang mga balahibo niya. Kinilabutan siya. Bahagya siyang lumayo dito.
“Sinabi ko na po sa inyo ang dahilan.”
“I know. I know. Pero hindi mo ba naisip na mas mapapadali ang buhay mo kung papayag ka sa gusto ko.”
Natawa siya ng mapakla. “Ang magpagamit sa inyo?” He mocked her. “I’m sorry, Ma’am, ha. Pero tinuruan ako ng mga magulang ko na rumespeto sa mga matatanda, at tinuruan din nila ako na kung gusto mong umangat sa buhay, magsikap ka. Hindi lahat ng bagay nakukuha sa madali.”
“Pero ang pera ay makukuha mo ng madali kapag pumayag ka sa gusto ko.”
“Madali ngang makuha, pero hindi ko naman pinaghirapan.”
“Okay. Gusto mong paghirapan ang pera na makukuha mo?” Hindi siya sumagot at nakatitig lang dito. “Hindi ko naman ibibigay sa ‘yo ang pera ng libre, Jeremy. Paghihirapan mo pa rin naman ang perang makukuha mo sa akin—”
“By serving you? Bilang s*x slave mo?” Hindi na niya maiwasan na pagtaasan ito ng boses. “Ang babaw naman ata ng tingin niyo sa akin, Ma’am.”
“No. It’s not like that.” Lalapit pa sana ito sa kanya, pero agad siyang lumayo.
Nandidiri siya dito, sa totoo lang. Kababae kasi nitong tao ay kung sinu-sino lang ang gusto nitong maikama, at handa pa talaga itong magbayad ng malaking halaga.
“Parang gano’n na din ‘yun, Ma’am. Sa pagbibigay niyo ng pera sa akin at ang kapalit ay ikakama ko kayo, wala na akong pinagkaiba sa mga call boy. Kaya ako nagsisikap dahil ayaw kong makuha ang pera galing sa mga maruruming tao na katulad niyo.”
“Ang sakit mo naman magsalita.” Sumeryoso na din ang mukha nito.
“Totoo naman po kasi. Bakit pa kayo naghahanap ng ibang lalaki kung nandiyan naman ang asawa mo?”
Biglang bumalatay ang lungkot sa mga mata nito. Naupo ito sa inupuan niya kanina. “Asawa? Asawa pa bang matatawag ang lalaking hindi na nga kayang ibigay ang gusto ko pagdating sa kama. Nabibigyan nga niya ako ng pera, nabibili ko ang gusto ko. Pero paano naman sa romansa? Sa tuwing inaaya ko siya ay palagi na lang siyang pagod. Wala na siyang oras sa akin. Hindi na niya ako nadidiligan.”
Napasapo siya sa sariling noo. Hindi niya inaasahan na gano’n pala ang pinagdadaanan nito. Masama man pero natatawa siya. Para kasing baliktad ang sitwasyon nang dalawa. Sa pagkaalam kasi niya ay lalaki talaga ang mas aktibo sa kama, pero sa sitwasyon ng amo niya ay itong si Ma’am ang aktibo pagdating sa kama.
Napailing na lang siya. “Kahit na anong rason niyo ay hindi pa rin iyan sapat para magbayad kayo ng tao. Isa pa, bakit sa mga empleyado niyo pa? Bakit hindi na lang kayo maghanap sa mga club?”
“Ayoko nga. Baka mamaya may sakit sila at mahawa pa ako.” Napasapo na naman siya. Bigla itong tumayo saka lumapit sa kanya. “And besides, I like you. Masyado kang gwapo, at may matiponong katawan. Bata ka pa kaya alam ko na wild ka sa kama. That’s what I like, wild.”
Malandi nitong hinaplos-haplos ang kanyang dibdib. Napapikit siya saka ito itinulak. Kinikilabutan talaga siya sa tuwing malapit ito sa kanya, lalo na kapag nahahawakan siya nito.
“Wala akong experience sa mga ganyan kaya hindi mo masasabi na wild ako sa kama.”
“I can teach you.” Mariin siyang napapikit dahil sa inis.
“Kahit anong sabihin, o gawin mo. HINDI AKO PUMAPAYAG, OKAY?”
“Baka gusto mong pag-isipan muna.” Napangiwi siya ng kagatin nito ang pang-ibabang labi.
Gusto niyang masuka sa ginawa nito pero pinigilan niya lang talaga. Kahit kasi anong gawin nito ay amo niya pa rin ito at tinuruan siya ng mga magulang niya na rumespito sa mga matatanda, kagaya na lang ng kaharap niya ngayon.
“Hindi! Kaya kung ako sa ‘yo, maghanap ka na lang ng ibang maloloko mo. Huwag ako!”
Hindi na niya hinintay na makasagot pa ito at agad na siyang lumabas sa opisina nito. Agad siyang dumiretso sa banyo at naghugas ng kamay. Hinubad niya ang kanyang damit saka nilabhan ito.
Shit! Talagang dumikit ang pabango nito sa damit niya. Sa loob nga ng isang linggo ay pilit niyang inaalis sa isip niya ang mga sinasabi nito. Napahilamos na lang siya saka napatingin sa salamin, at sa mukha niya. Hindi niya tuloy maisip kung swerte nga ba o sumpa ang gwapo niyang mukha.