Inilagay ni Jeremy ang isang tasa ng kape sa mesa ni Vita. Tumingala ito sa kanya at bahagyang nagulat ng makita siya, pero agad din namang ngumiti. Mukhang hindi nito napansin na pumasok siya sa opisina nito dahil tutok na tutok ito sa mga papeles na nasa harapan nito habang nakakunot ang noo. “Pahinga ka na muna, Mahal.” Ilang araw na kasi itong busy at sa mukha pa lang nito ay mukha itong walang pahinga. “Kumain ka na muna.” Inilagay niya din sa mesa ang isang carrot cake na paborito nito. “Thank you, Mahal.” Kukunin na sana nito ang carrot cake para kainin ng ilayo niya dahilan para mapanguso ito. “Akin na.” “Doon ka kumain.” Turo niya sa kabilang mesa na kaharap ng sofa. “Dito na lang.” “Please?” Hindi lang naman niya kasi gusto itong kumain, gusto niya din itong m

