ESCORT 01

1633 Words
"Pasensya ka na talaga, Je, kung nagiging pabigat na kami sa 'yo, lalo na ako," sabi ng tatay niya na nakahiga sa kama. “Wala man lang akong magawa para matulungan kayo ng nanay mo.”   "Ano ka ba, ‘Tay? Ayos lang po 'yun. Naiintindihan ko naman, eh," nakangiti niyang sabi dito para makita nitong ayos lang talaga sa kanya ang lahat. Alam niya na iniisip nito na nagiging pabigat na ito sa kanya, pero kahit kailan ay hindi niya inisip na naging pabigat ito sa kanya o ang pamilya niya. "Ako ang panganay at responsibilidad ko na ikayod kayo ni nanay at ang mga kapatid ko. Sa amin magkakapatid, ako ang mas nakakaintindi dahil ako ang matanda at panganay."   "Napakabait mo talagang bata, Je" naiiyak nitong sabi. "Kahit na nagkulang kami sa 'yo ng nanay mo, kahit na hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral ay hindi ka pa rin nagalit sa amin na nanay mo. Napakaswerte namin dahil nagkaroon kami ng anak na kagaya mo. Hindi lang mabait kung hindi masunurin at masipag pa na anak. Sana huwag kang magbago, Anak," dagdag pa nito.   "Opo naman, ‘Tay. Kahit kailan hinding-hindi ako magbabago. Huwag po kayong mag-alala kapag ako na-promote sa pinagtatrabahuan ko, magpapa-lechon ako pero manok lang muna. Mahal po ang baboy, eh." Sabay silang napatawa sa biro niya.   "Pagpalain ka ng Diyos, Anak. Huwag kang mag-alala. Palagi kitang pinagdadasal kasama ng nanay at mga kapatid mo na lagi kayong gabayan sa tama at huwag maligaw sa maling daan dahil iyon na lamang ang magagawa at maibibigay ko para sa inyo, ang ipagdasal kayo palagi."   "Salamat po, ‘Tay. Huwag po kayong mag-alala, lagi ko pong tatandaan ang mga pangaral at bilin niyo po sa akin, ‘Tay." Napatingin siya sa lumang orasan na nasa haligi ng bahay nila na gawa sa kahoy. "Aalis na ako, ‘Tay. Baka ma-late pa kasi ako."   "Sige, Anak. Mag-iingat ka sa pagpasok sa trabaho."   "Opo, ‘Tay." Nagmano muna siya dito saka tuluyan nang umalis.   Kailangan niyang maging maaga sa pagpasok para hindi masira ang record niyang the earliest and the best employee of the year. Malaki ang ngiti niya dahil ilang hakbang na lang ay mapo-promote na siya bilang manager ng Cafe na pinagtatrabahuan niya. Kapag nangyari ‘yon ay lalaki na din ang sweldo niya at makakapag-ipon pa siya ng malaki para sa mga kapatid niya.   Isa lang siyang taga-linis sa Cafe noon. ‘Yon lang ang kaya niyang trabaho dahil hindi naman siya makapagtrabaho sa mga malalaking kompanya lalo na't hindi naman siya nakapagtapos ng pag-aaral. High school graduate lang kasi ang natapos niya. Kahit kasi janitor lang ang trabaho na a-apply-an niya sa mga malalaking kompanya ay kailangan nakatungtong ka pa rin ng college. Ito ang hirap sa hindi nakapagtapos, hirap humanap ng trabaho.   Lima silang magkakapatid at siya ang panganay sa kanila. Basurero lang ang ama niya habang labandera ang ina niya. Nagkasakit ang tatay niya dahil sa heat stroke at ang kalahati nitong katawan ay hindi na nito maigalaw dahilan para ang ina na lang niya ang kumayod. Pero hindi naging sapat ang paglalabada nito para makakain sila ng tatlong beses sa isang araw.   Kaya naman napagdesisyonan niyang tumigil siya sa pag-aaral kahit ayaw ng mga magulang niya at nagtrabaho na lamang para may maitulong sa pamilya. Matanda na din kasi ang ina niya at alam niyang nahihirapan na ito sa pagtatrabaho. Kahit hindi nito sabihin na napapagod na ito sa paglalaba ay nakikita naman niya.   Kaya naman todo kayud siya sa pagtatrabaho. Araw-araw ay maaga siyang pumapasok at sinisipagan, at ginagalingan ang pagtatrabaho, kaya naman lumipas ang isang taon ay naging waiter siya sa Cafe at ngayon isa na siyang cashier. Kapag talaga masipag ang isang tao ay aangat ito sa buhay. ‘Yon palagi ang tinatanim niya sa isip niya kaya nagsisipag siya sa trabaho.   Ang sabi ng manager nila sa Cafe ay ipo-promote daw siya kapag sinipagan pa niya ang pagtatrabaho. Nakikita kasi ng may-ari ng Cafe kung gaano siya kasipag sa trabaho, kahit pa taga-linis lang siya noon. Nagkakaroon siya ng lakas araw-araw kahit na pagod dahil laging busy ang Cafe nila. Malapit lang kasi ito sa isa sa malaking hospital ng lungsod at ilang lakad lang sa isang malaking University.   Mas magiging masipag pa siya ngayon para sa promotion niya at para sa bunos na matatanggap niya bilang isang earliest and best employee of the year. Kapag na promote siya ay pakakainin niya ng masarap ang pamilya niya bilang selebrasyon.   Nang makarating sa Cafe ay binuksan na niya ito. Siya kasi ang nagdadala ng susi dahil siya naman ang pinakamaaga sa kanila at pinagkakatiwalaan din siya ng may-ari. Nagsimula na siya sa paglinis ng Cafe. Habang nagpupunas sa mesa ay dumating ang taga-linis ng cafe na si Carlo.   "Nako! Ako na diyan, Jeremy." Agad nitong binaba ang mga dala nitong gamit saka lumapit sa kanya.   "Ayos lang, Carlo." Ngumiti siya dito saka nagpatuloy sa pagpupunas ng mesa.   Napakamot ito sa ulo saka nagbiro, "Baka mawalan ako ng trabaho sa ginagawa mo."   Tumawa naman siya. "Ano ka ba! Tinutulungan lang kita para hindi masyado mabigat ang trabaho mo."   "Salamat. Ang sipag mo talaga. Hindi ko maiwasang mainggit sa 'yo," sabi nito habang tinutulungan siya nito sa paglilinis. "Akalain mo, taga-linis ka lang noon pero ngayon cashier ka na at hindi magtatagal ay magiging manager ka na din."   "Nako! Sipag at tiyaga lang 'yan, Carlo. Balang araw maaabot mo din ang naaabot ko ngayon."   "Talaga?" paniniguro nito.   "Oo naman. Basta masipag ka lang sa trabaho, pasasaan pa't aangat ka din," pang-eengganyo niya sa kaibigan. Lahat naman ng kasama niya sa trabaho ay naging kaibigan na niya.   "Pwede bang pahingi ng kasipagan mo?" sabay silang natawa sa biro nito.   Ilang minuto lang ay natapos na sila sa paglilinis. Dumating na din ang mga katrabaho nila saka nagbukas. Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng Cafe ay marami na ang naging customer nila. Another busy and tiring day, pero nakangiti pa rin siya. Hindi niya hahayaan na mapagod siya dahil may pamilya pa siyang iaangat sa buhay. Gagawin niyang inspiration ang pamilya niya sa trabaho.   "You did a great job today. Malaki na naman ang sales natin," sabi ng manager nilang si Sandra habang pumapalakpak. Kakatapos lang nila maglinis sa Cafe at mayamaya ay magsisiuwian na sila.   "Lumaki lang naman sales natin, Ma'am, dahil sa pogi nating cashier," sabi ni Sabell, isa sa mga waitress ng Cafe. Tinuro nito si Jeremy.   "Hala! Bakit ako?" Tinuro niya ang sarili. Nagtataka kung bakit siya ang dahilan.   "Asus! Huwag ka ng mag-deny, Jeremy. Kung hindi kinausap ni Ma'am Sandra ang mga customer kanina, wala sana akong kita kasi lahat nakapila sa 'yo," pangangatyaw ni Allie, kasama niyang cashier.   "Hindi naman 'yan totoo eh," nakanguso niyang sabi.   "Sana all gwapo," sabi ni Bert, isa sa mga waiter. "Pahingi naman ng kagwapohan mo nang dagsain din ako ng mga chicks."   Napailing na lang siya sa mga pinagsasabi nito. Kahit kasi laki sa hirap sila Jeremy ay hindi natatago ang kagandahan nito. He had this full-figured body that many girls are drooling for. He has a round face with a straight nose, a round and hazel eye and a crooked lip that when he smiles it make every girl flattered. He also has a dark, short and straight hair.   Pero kahit na maraming babaeng nanliligaw sa kanya ay ni isa sa mga ito ay wala siyang pinapansin dahil wala siyang oras para sa mga bagay na gano'n. Mas focus siya sa paghahanap ng pera para may maipakain at maipatostos sa pag-aaral ng mga kapatid niya. Mga bata pa ito kaya naman may mas pag-asa pa ito sa buhay.   "Okay. Tama na 'yan. Galingan na lang natin sa pagtatrabaho para mas lumaki pa ang sales natin at mas may chance na malaki ang bunos na matatanggap natin. See you tomorrow," pagdi-dismiss nito sa kanila. "Mag-iingat kayo sa pag-uwi."   "Sige po, Ma'am Sandra. Ingat din po kayo. Bye guys. Kita kits tayo bukas." Nagpaalam na ang lahat ng mga katrabaho niya at umuwi na.   Dahil siya ang nagdadala ng susi kaya siya palagi ang nahuhuli sa pag-uwi. Nang maisara na niya ang Cafe ay nagtaka siya nang makita si Sandra habang nakatingin sa cellphone nito. Para bang may hinihintay pa ito kaya hindi pa umuuwi.   "Hindi ka pa ba uuwi, Ma'am?" tanong niya ng makalapit siya dito.   "Ma’am mo mukha mo!” Natawa siya sa sinabi nito. Ayaw kasi nitong nagpapatawag ng ma’am kapag wala sila sa trabaho, lalo na’t matagal na silang magkaibigan ni Sandra. “Papauwi na din ako. May binigay lang sa akin na mensahe ang may-ari sa text. Gusto ka daw makita ng asawa ni boss bukas," sabi nito na ikinapagtaka niya.   Hindi pa niya nakikita ang asawa ng may-ari ng Cafe dahil ni minsan ay hindi ito dumalaw sa shop. Ang lalaki lang ang tanging nakikita niya pero minsanan lang din. Marami kasing branch ang Cafe nito kaya hindi na nakapagtataka na minsanan lang itong dumalaw sa Cafe.   "Bakit daw?"   Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko din alam. Baka tungkol sa promotion mo," nakangiti nitong sabi.   Bigla din siyang napangiti at na-excite sa sinabi nito. "Sana nga, no?"   Tinapik siya nito sa balikat. "Sana nga. Oh, siya. Mauna na ako sa ‘yo, Je. Good luck sa 'yo bukas. Ingat ka sa pag-uwi," sabi nito saka tumalikod na.   "Ikaw din, Sandra." Hindi na ito lumingin at kumaway na lang patalikod.   Napabuga siya ng hangin saka napangiti. Sana nga ang dahilan kung bakit siya pinapatawag ng asawa ng boss nila ay dahil sa nalalapit na niyang promotion. Kung gano'n nga ay sigurado siyang mas makakaipon siya para sa mga kapatid niya. Masaya at malaki ang ngiti niyang naglakad pauwi. Naglalakad lang siya papauwi sa kanila dahil sayang din ang pamasahe kung sasakay pa siya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD