Aria Bagamat may mga banta sa akin si Vaughn dahil sa naaktuhan niya kanina sa restaurant, hindi ko na muna pinahintulutan ang sarili na isipin ang mga iyon. Kailangan ko bantayan si mama hanggang sa magising siya. Nasa ospital kami ngayon. Sinugod namin si mama ng makauwi ako sa bahay. Umatake raw ang sakit ng kanyang tiyan hanggang sa nahimatay na siya dahil hindi niya nakayanan ang sakit. Mabuti na lang at hindi pa nakakaalis si Rowan ng atakehin si mama. Hinatid niya kami sa ospital at pinasunod niya rin agad si Jianna para may kausap ako. Pinauwi ko na muna si Rowan. Nakakaabala na ako. “Miss Morales..” Tawag sa akin ng nurse. Mabilis akong tumayo at lumapit sa nurse station. May binigay siyang form sa akin. “Ma’am kailangan po ng pirma dito ni Sir De Sevilla katunayan na pum

