KABANATA 29 "Reservation under Mr. Luis Alcazar." Imporma ko sa service crew na sumalubong sakin sa bungad ng Alta's Fine Dinning, ang classic restaurant kung saan kami magkikita ng kliyente ko sa araw na ito. Saglit na bumaba ang tingin ng crew sa papel na hawak at iniscan ang mga pangalang naroon, pagkuway tumango at muli akong tiningnan nang may ngiti. "Dito po, maam," Magalang nitong saad at nagpatiuna sa paglalakad. Sumunod ako sa kanya hanggang sa marating namin ang nakabukod na mesang nasa pinakagilid. I said my thanks to the crew bago lumapit ng tuluyan sa lalaking naroon, nasa cellphone ang kanyang paningin at seryosong seryoso sa pagtitipa. "Uhm, excuse me?" Kuha ko sa atensyon niya. Halos mapalundag ito sa gulat at bahagya pang nanlaki ang mga mata pagkakita sakin. "—I'm

