KABANATA 23 The scene in front of me shattered my heart. Parang saglit na tumigil sa paggalaw ang mga kamay ng orasan, hinahayaang mamanhid ang sakit na nararamdaman. William was lying on the car's floor, bloody and unconscious. Gusto ko itong lapitan at yakapin, halikan ang kanyang mga sugat nang sa ganoon ay maibsan ang sakit na nararamdaman nito—pero hindi ko maigalaw ang sariling katawan, tila'y naparalisa ako sa takot. Sa kabila ng pagod at sakit ay hindi ko magawang pumikit. Hindi ko magawang iwala sa paningin ko ang anak dahil natatakot ako—natatakot akong ito na ang kahuli-hulihang pagkakataon na makikita ko ito. Natatakot ako sa posibleng kahinatnan ng nangyari sa kanya. Malakas ang tunog ng paparating na ambulansya, ganon rin ang maiingay at nakakahilong busina ng sasakyan.

