"Wait! Wait! Wait! "Nasusuka ka ba? Candy? O baka kailangan mo pumunta sa comfort room?" Umiling ako. "Wag ka magulo Prince, konting katahimikan lang to." "For pizza's sake bakit kasi hindi ka nagsasabi na mahihiluhin ka pala!" Napahilamos siya sa gwapo niyang mukha. "If I knew it hindi na sana tayo sumakay ng Ferris Wheel." "Can you pipe down? Para kang buntis na hindi makaanak." Garalgal kong sagot. "How can I stay calm? Namumutla ka na!" "Tch.. Magiging okay din ako mamaya, believe me." Nakahanap na kami ng bench at inalalayan niya ko na makaupo dun. Ang daming tao dito sa Star CT kaya mas lalong nakakahilo. "Umuwi na kaya tayo? 6 o'clock na rin naman. Baka nakakasama na din sayo ang hamog." "Prince naman eh, ngayon na lang uli ako nakapunta sa ganito. Just give me a break at m

