"Ihahatid na kita." "Kaya ko na Prince.. Bitawan mo na ko." "Wag ng matigas ang ulo, Riley. Baka mapahamak ka pa sa daan kung ganyang pasuray suray ka. Ihahatid na kita." Inalalayan ako ni Prince pababa ng 2nd floor kung nasan ang kwarto niya. Doon na kasi ako nagkamalay. "Mag ingat sa pagmamaneho, Prince. Iuwi mo ng maayos yan si Riley." Nakangiting sabi ng ina ni Prince na ngayon ay nagkakape katabi ang meztiso niyang asawa. "Yeah, mom. Una na kami." Sagot ni Prince. Nagpasalamat din ako sa parents niya kahit nakakahiya. First time ko silang nameet tapos ganito pang lasing ako. "You're welcome, hija. Balik ka dito ah? Nakakatuwa ka kasi kausap eh. Sana talaga may anak akong babae. " May halong kalungkutan na sabi ni tita Flora. "Tama na yan. Bibigyan naman tayo ng dalawang yan

