Chapter 4

1793 Words
Wag niyo kong iwan. Kung kailangan niyo umalis sasama na lang ako. Ayoko na dito. Wait.. Ma.. Pa.. Kuya...! Please, sasama na ko! "Riley!" Napabalikwas ako sa kama. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko dahil sa pagtakbo kanina sa sarili kong panaginip. "You're dreaming. Tinakot mo ko, kanina pa kita ginigising pero iyak ka lang ng iyak." Bakas sa boses ni Ms. Wilson ang matinding pag aalala. "Did you dreamt about them?" Tumango ako sa tanong niya. Pupunasan ko na sana ang namamasa kong pisngi dahil sa luha nang bigla niya kong yakapin. That hug caught me off guard, bumalik ako sa reyalidad mula sa pagiging preoccupied ng utak ko dahil sa panaginip na yon. "You'll be fine. Stop crying." She whispered. Heaven knows how gentle she sounded. "Ms. Wilson," hikbi ko. "Nababasa po ang kama mo." Kumalas siya mula sa pagkakayakap sakin at tiningnan ang tulo ng tubig mula sa blonde niyang buhok papunta sa bedsheet. "Yan pa talaga inisip mo? Silly.." Dahan dahan akong umupo sa kama at pinahid ang mga luha sa pisngi habang conscious ako na nakatitig si Ms. Wilson. Medyo nahihilo ako pero kaya ko naman kumilos. "Ma'am, bakit basang basa ka?" "Oh, this?" Nag ayos siya ng sarili. "It was raining so hard nung nilabas kita sa kotse." "Binuhat niyo po ako?" "Inalalayan lang kita. I don't trust the staffs here kasi." Nahihiya niyang sagot. "I remembered there was an instance that a European guest complained for being sexually harassed." Napangiti ako. "Thank you sa concern ma'am. Sa ganda mong yan inalalayan mo pa ko. Nakakahiya naman." She chuckled. "No, it's my fault. Nagkamali ako ng nakuhang bottle. I'm sorry, this is my fault. Yung napainom ko kasi sayo..." Bumalik sa alaala ko yung nangyari sa kotse. May ininom nga ako bago ako makatulog. "About that, napansin ko nga pong kakaiba ang lasa. Nalason ba ako?" "No! No!" Iling niya. "It was just an alcohol beverage. Iit's a combination of rum, brandy and beer kaya nalasing ka kagad. I'm so so sorry, I was so careless." "Ayos lang po. Hindi ko naman first time eh. Umiinom na ko dati pa." Pilit akong ngumiti pero agad din akong napangiwi nang kumirot ang ulo ko. "Masakit ba ?" Pag aalala niya. "Nahihilo ka ba? Nasusuka?" Bago pa ko makasagot ay umalis na sa harap ko si Ms. Wilson, maya maya'y may bitbit na siyang disposable vomit bowl, pain reliever, at isang baso ng tubig. "It was so stupid of me para magawa to sa studyante ko. Take this." Alok niya sa gamot. "Um, hindi na po, hang over lang to mawawala rin." "Riley." She demanded with her authoritative voice. "Okay lang po ako, promise." Napabuntong hininga na lang si Ms. Wilson at nilayo sakin ang gamot. Tinanggap ko yung tubig para hindi sayang ang effort niya pero kahit ganun, panic pa rin ang nakikita ko sa mala-manika niyang mukha, para bang hindi niya alam kung ano pang dapat gawin. "Sorry talaga Riley." Halos matunaw ang puso ko sa pagkakasabi niya nun. "Okay lang po talaga. Nakatulong pa nga ang nangyari eh. At least nakatulog ako kahit papano." Nagtaas siya ng kilay. "You talk as if hindi ka natutulog." " S-Sorry," sabi ko kahit hindi ako siguro kung para saan yun. With my blurry sight ininspect ko ang paligid. "Nasan po pala ako?" "You're at a hotel. This room serves as my place here in the Philippines because my dad used to be a part owner of this establishment. " Tumango ako. Mayaman pala talaga siya. I shoved the blanket aside para makatayo na ko. "Ma'am, kailangan ko na umuwi. Masyado na yata akong ginabi dito. May pasok pa bukas." "You can't. Zero visibility sa labas. Heto nga't nabasa ako sa ulan nang nilabas kita mula sa kotse eh." "Hihihintayin ko na lang po na tumila ang ulan tapos mag-tataxi na ko." Napakunot ang noo niya. "You're not watching the news, ain't you?" "Ahm, hindi po kasi ako mahilig manood nun. I don't like the idea na kailangan ko pang malaman ang mga negative na nangyayari sa Pilipinas at sa mundo. I just want a peaceful life with myself." "I understand, but if you keep that kind of mindset you'll just end up living inside your head. Think about the other side of this, importante ang news. You're clever, I know you're getting my point Riley." Tumango ako na parang batang pinagalitan ng nanay. "Look, nag-landfall na ang bagyong Habagat sa Metro Manila hindi mo pa rin alam. You know what, you should start updating yourself about news lalo na't member ka na ng journalism." Napabuga ako ng hangin. "Sige po." "Very well, you'll stay the night here. It's my fault anyway. No buts."I'll just take a shower. Wag ka aalis dyan. Are we clear?" "Yes ma'am." "You're so obedient, I like you." Ngiti niya at saka umalis papuntang bathroom. "I like you." Hindi ko namalayang napangiti ako dahil sa three words na yun. Ang sarap kasing pakinggan ng sinabi niya. Habang hinihintay si Ms. Wilson inayos ko muna ang sarili ko sa harap ng isang full length mirror. Ang gulo gulo ng itsura ko; yung mata ko namumula kakaiyak. Yung buhok ko ang messy tingnan dahil naka-layered at hindi pa nasusuklay mula kanina. Yung red necktie ko loose na rin tapos yung grey vest tanggal ang ilang butones. Hindi na pantay yung knee high socks ko dahil yung isa nakababa na. Palda lang yata ang maayos sakin ngayon. Napabuntong hininga na lang ako at inayos ang kaguluhan sa itsura ko. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko dahil malamig dito sa loob. Nilagyan ko na lang siya ng hairpin para hindi makaistorbo. Maya maya pa tumambad na sakin ang isang diwatang 'sing liwanag ng araw. Alam ko, ang OA ng description ko pero ganun talaga yung aura niya pagdating. Nakakasilaw kahit pa naka-croptop lang siya at pajama. "Earth to Riley." Mataman akong tiningnan ni Ms. Wilson. "H-Ha ano po?" "Kailangan mo rin ba gumamit ng bathroom?" "Ah, y-yes please." Natauhan kong sagot. "The bathroom is behind that bar," turo niya. "Go ahead isusunod ko na lang din ang mga damit mo. You need to change. You can also take a bath if you want." "Sige po. Thank you." Nagkaron ako ng pagkakataon na malibot ng tingin ang ' bahay ' ni Ms. Wilson habang papunta sa bathroom. Classy masyado ang itsura nito kumpara sa mga hotel rooms na napuntahan ko kaya for sure VIP room to. Nang marating ko ang bathroom na kasing laki na yata ng apartment kong 2.5k ang rent, labis akong namangha dahil bukod sa ang ganda ng shower area na napapaligiran ng glass, may Jacuzzi din dito at bath tub. Gustong gusto ko mang subukan ang mga yun ay hindi ko ginawa. Nagmadali na lang ako maligo dahil hindi ako sanay maligo sa banyo ng iba. Suot ang pink pajama at terno nitong pang itaas, lumabas na ko ng bathroom. Nakaamoy ako ng seafood kaya bigla akong nakaramdam ng gutom. Sinundan ko ang amoy at dinala ako nun sa dining table kung nasan si Ms. Wilson na humihigop ng mainit na cup noodles. "Hey, Riley. Kain." Turo ni ma'am sa cup of noodles sa tapat niya. Umupo ako sa kabilang side ng mesa kung nasan yun. "How's the shower?" "Nakagaan po sa pakiramdam ko dahil may heater. Medyo nawala na ang tama ng alak dito." Nangingiti kong tinuro ang sentido ko. Bigla naman akong may naalala. "Si Kylie po pala?" "Oh, her? Nasa daddy niya sa office. Namiss niya eh. Sayang nga di mo siya na-meet." Ngumiti ako. "Oo nga po. Ang cute niya siguro." "Kanino pa ba magmamana?" She chuckled. Ang cute lang. "But seriously, she looks like a cherubim. She have this angelic face and naughty smile." "Siguro kamukha niyo po siya nung bata ka pa ma'am?" "Aw, yeah! I mean, that's what they always say, but if you ask me she looks nicer while me..." Humigop muna siya ng noodles gamit ang chopsticks. Ang dami niyang sinubo halatang gutom na gutom. Pinigil ko naman ang pagtawa. " I believe I look, hot." Natawa kami pareho sa biro niya kahit ang totoo, hot naman talaga siya. "Kidding aside. I'll show you a picture of her later." Humigop ako ng mainit na sabaw. "Ang bait niyo ma'am." "Really?" "Opo. Bihira sa mga professors na mag open up sa studyante." Nagkibit balikat siya. "We're all humans who're under the same sky, who breath the same air and bump into each others butts at some point, that's all." Natawa ako sa sinabi niya pero hindi ko na-overlook ang ibig niyang sabihin. I'm beginning to feel interested with this lady. I have this urge to know her better pero at the same time alam kong nadidisappoint ako sa mga nalalaman kong may kinalaman sa pagiging pamilyado niyang tao. Nang matapos kami kumain dinala niya ko sa kwarto ni Kylie na napakaraming stuff toys ni Dora and friends. Lalo na ni Iza the Iguana. "Told you, nababaliw na siya kay Iza." Tumawa siya. "Isn't it weird na of all things sa Iguana pa siya nahilig?" "Iisipin kong weird yun kung di lang sikat ang cartoon na Dora the explorer." Sagot ko habang tinitingnan ang Iza na lampshade. "I get your point but still, nawiwirduhan pa rin ako." Lumingon ako sa kanya na nakaupo sa kama ng bata. "Eh ikaw, sino bang favorite character mo nung bata ka ma'am? Don't tell me na si Hello Kitty." Tumawa ako. "Hindi ah. Hmm.. As far as I remember Lilo and Stitch ang favorite ko. Particularly si Stitch." "Eh hindi ba mas weird yun ma'am? Favorite mo ay alien. Haha." Sinamaan niya ko ng tingin. "Fine. I know it's weird. How about you, now tell me what's yours?" Taas kilay niyang tanong na tila naghahamon. "Hm, Powerpuff girls. Favorite ko si Blossom eh." Tiningnan niya ko na parang hindi makapaniwala. Ano bang problema sa sinabi ko? "So you don't call that big eyed, fingerless and noseless hero 'weird'?" Tumawa siya. "Well I guess all cartoon characters are weird at some point." Napa-pout ako. "Sabagay. Kapag weird kasi o hindi pangkaraniwan nakaka-attract yun sa mga bata. Yun naman talaga ang purpose ng cartoons." "Exactly." Nagkalkal si ma'am sa isang box sa ilalim ng kama. "Here it is. Upo ka dito Riley." "Ano po yan ma'am?" "Album ni Kylie. Konti lang ang pictures dito but at least you'll get to see her." Binuklat niya ang pages ng album at tama nga siya, mukhang batang anghel si Kylie. Mestisa siya, curly ang buhok at may rosy cheeks. Hawig sila ni Ms.Wilson pero iba kasi ang dating ni ma'am, she's gorgeous pero si Kylie ay cute. Tuwang tuwa si Ms.Wilson habang nagkukwento tungkol kay Kylie lalo na sa isang litrato kung saan puno ng icing ang mukha nilang dalawa. Nagbe-bake daw sila ng cake nun nang biglang mangulit si Kylie at pahiran siya ng icing na ginantihan niya naman. Si Zoe daw ang nag-picture sa kanila. Hindi ko alam kung kaano-ano ni ma'am yun pero kasama din siya sa ibang litrato, tulad niya, may hawig din si Zoe kay Kylie. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD