"Okay na ba lahat ng gamit? Make sure na wala ng maiiwan dito." "Ayos na po lahat ma'am." "Riley!" Bulyaw sakin ni Zoe. Nabitawan ko pa ang bag na dala ko dahil sa gulat. "I told you let the guards do that, wag ka muna magpagod." "Magaan lang to tsaka personal na gamit kasi ang nandito kaya mas komportable ako pag ako ang nagdala." Palusot ko na lang. "Sigurado kang magaan lang yan ha." "Surer than sure!" Nailagay na lahat ng gamit namin sa kotse. Hinihintay na lang namin yung nurse na magtatanggal nitong dextrose ko and we're good to go. Dumaan na kasi yung doctor na kinuha ni Zoe para sakin and he gave me the permission na makalabas na. Yun nga lang sandamakmak na gamot ang nireseta sakin. "Are we done here?" "Hindi pa eh, ang tagal nu-" "Hey there." "Ms. Wil- I mean, Stacia.

