NAPAAWANG ang bibig ni Olivia habang pinagmamasdan si Dave na nagpapaanak sa buntis na kabayo. Kitang-kita niya kung paano nito maingat na hinahaplos ang tiyan ng hayop na hirap na hirap sa panganganak. Ang mga mata niya nito ay puno ng pagmamahal at pag-aalala. Para bang isang mahalagang tao ang kanyang inaasikaso. Tagaktak ang pawis nito sa noo habang panay ang himas sa tiyan ng kabayo. Hindi niya maiwasang humanga sa ginagawa ni Dave. Kahit na isang kabayo lang ito ay binibigyan niya ito ng buong atensyon. Kompleto rin ito sa gamit bilang isang beterenaryo. Nandoon din ang mga nagbabantay ng kabayo at nanonood habang tinutulungan ni Dave na manganak ang kabayo. Napansin niyang parang nahihirapan ang kabayo sa panganganak dahil hirap itong umiri. Nag-aalala tuloy siya na baka hindi kaya

