NAIWAN si Olivia sa kwarto na tinutukoy ni Dave na nasa loob mismo ng clinic nito. Tama lamang ang laki laman no’n. Mayroong single bed at kompleto naman sa gamit. May flatscreen TV, aircon at personal refrigerator. May napansin din siyang maleta na may kalakihan at nakabukas ‘yun. May napansin siyang mga damit sa loob. Sa tingin niya ay dito natutulog si Dave kapag wala ito sa hacienda. Akala niya noon ay wala itong pangarap sa buhay dahil wala naman siyang nakikitang pagbabago sa lalaki pero sa nalaman niya kanina----hindi niya mapigilan ang hindi humanga sa lalaki. Nakakahanga ang ginagawa nito. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit kailangan na ilihim nito ang buhay na mayroon ito. Imposible naman kasi na hindi magiging proud ang mga magulang nito gayong siya nga na ibang tao

