ANG kabog ng puso ni Olivia ay mabilis pa sa takbo ng kabayo habang nakatitig siya sa maamong mukha ni Dave. She felt a strange mix of fear and anticipation thrumming through her veins. Hindi niya na maigalaw ang kanyang mga katawan dahil sa pagpigil sa kanya ng lalaki. Muli na naman siyang nakakalimot dahil sa ginagawa nito. Ibinaba ni Dave ang kamay niya pababa sa tiyan nito kaya napaurong siya. Mabilis niyang binawi ang kamay. "Mali ito!" tutol niya. Ngumiti si Dave sa kanya. "Dahil hindi ako si Dimitri?" tanong sa kanya ni Dave kung kaya natigilan siya. "Kapag si Dimitri ang gumawa nito sayo ay okay lang." "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Dave," pag-iwas niya. "Babalik na ako ng bahay at baka hinahanap na ako ni mama at papa." Mabilis na tinalikuran niya si Dave. Hindi niya kayang

