NAGING emosyonal siya sa sign ni hiningi ni Olivia dahil nakahinga siya ng maluwag. Lahat ng sakit na matagal ng nasa puso niya ay tuluyan ng nawala. Hanggang ngayon kasi ang bigat ng pagkamatay ni Diane ay nasa puso niya pa rin at kahit anong gawin niya ay hindi niya makalimutan. Ang guilt, ang pagsisisi ay tila araw-araw na nabubuhay pero ngayon----ang gaan ng kanyang pakiramdam na tila ba lumilipad siya. Ang saya ng kanyang puso ay ganoon na lamang. Nakahawak lamang siya sa kamay ni Olivia hanggang a makabalik sila sa condo. Ano pa nga ba ang hihilingin niya? Napatawad na siya ni Diane at si Olivia ay nasa kanya. Wala siyang ibang dapat na gawin ngayon kundi ang siguraduhin na kanya lamang si Olivia. “Coffee?” tanong sa kanya ni Olivia pagbalik nila ng condo. “Yes, please. Hindi pa ri

