HINDI pa man nakakapasok ng mansyon si Dave ay kaagad siyang sinalubong ng ama nang isang malakas na suntok, nawala siya ng balanse kung kaya bahagya siyang natumba nagtatakang napatingin siya sa ama. Nakasunod naman dito ang kanyang ina na tila kanina pa nagbabantay ang mga ito sa kanyang pagdating. "Talagang kinakalaban mo ang pamilyang ito!" duro sa kanya ng ama. "I don't understand," sagot niya kahit na alam niya ang tinutukoy ng ama. Ang gusto niya lang naman malaman ay kung bakit kailangan siya nitong saktan. "Ano ang hindi mo naiintindihan sa mga nangyayari Dave? Simula pa lamang ay alam mo na kung ano ang mangyayari at huwag mong sasabihin sa akin na hindi mo alam dahil palagi naman yan ang sinasagot mo na wala kang alam!" sigaw pa ng kanyang ama. Ang mukha nito ay namumula na s

