HINDI inaasahan ni Olivia ang pag-uwi ni Dimitri sa hacienda. Hindi naman kasi ito nagsabi na uuwi ito samantalang palagi naman itong tumatawag. Nadatnan niya ito sa sala kasama ang mga magulang nito at hindi niya maintindihan kung bakit nakakaramdam siya ng tensyon sa tatlo. Hindi niya tuloy mapigilan ang hindi kabahan. Nag-aalala siya na baka mamaya ay alam na ng mga ito ang tungkol sa ginagawa nila ni Dave. Sabay pang napatingin sa kanya ang tatlo pagpasok niya ng bahay. Bitbit niya ng mga oras na 'yon si Viah. "Dimitri!" bulalas niya sa pangalan ng kapatid ni Dave. Napansin niya ang pilit na ngiti ni Dimitri ng mga oras na 'yon. Sa unang pagkakataon ay ngayon niya lang ito nakitang seryoso pagdating sa kanya. "Anong ginagawa mo rito? Sabi mo sa akin ay busy ka sa Maynila kaya hindi ka

