Mabilis na umiwas ng tingin si olivia nang makita niya sa beach na magkasama si Dave at Bianca habang naglalakad sa dalampasigan. Napansin niya ang paghawak ni Bianca sa braso ng lalaki. Huli na para umiwas siya dahil malapit na sa kanila si Dave. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng pupuntahan nila ni Dimitri ay dito pa magkikita ang landas nila ng taong iniiwasan niya. Nagtama ang mga mata nila... Mabilis na tumahip ang kanyang puso dahil sa mga titig ng lalaki. Si Bianca naman ay ngumiti ng makita siya. Naka-swimsuit na ito at tila handang-handa na para maligo samantalang naka-shorts lamang si Dave at walang pang itaas sa damit. Napansin niya ang makisig na katawan ng lalaki. Bigla tuloy pumasok sa kanyang isipan sa tuwing na hinahaplos niya ang mga iyon. Mabilis na hinahanap ni

