"KUYA!" tinig ni Diane habang tumatakbo sa malawak na lupain ng mga Castillo. Gumawa si Dave ng saranggulo upang paliparin yun at tuwang-tuwa naman ang kanyang bunsong kapatid. "Kuya, ano naman!" sigaw pa ni Diane. "Ako naman ang magpapalipad ng saranggola!" wika pa ni Diane sa kanya. "Lumapit ka dito," wika niya kay Diane. Hawakan mo itong sinulid at tumakbo ka. Mas maganda tingnan kung mabilis ang pagtakbo mo dahil lumalakas ang hangin at lalong lilipad ang saranggola," wika niya pa kay Diane na sumisigaw. "Dave!" sigaw ng yaya nila. "Huwag kayong lumayo, okay?" sigaw pa ng yaya nila pero dahil matigas ang ulo niya ay tumakbo pa sila ng tumakbo ni Diane upang lalong mas tumaas ang paglipad ng saranggola. "Ang taas kuya!" sigaw ni Diane na tumakbo ng mabilis. Nakasunod naman siya sa

