CHAPTER FIFTEEN

1327 Words

TAHIMIK na kumain silang dalawa ni Dave ng almusal. Wala itong kibo dahil may katulong na nakatanghod sa kanilang dalawa. "Iwan niyo na muna kami," utos ni Dave sa katulong. "Sige po, Senyorito." Hindi niya mapigilan ang hindi kabahan nang maiwan silang dalawa ni Dave. Hindi niya magawang higupin ang kape na nasa harapan niya at baka maibuga niya. "Anong ginagawa mo sa labas? Hinihintay mo ang pagdating ko?" tanong ni Dave sa kanya kung kaya nanlaki ang mga mata niya. "What?" bulalas niya. "Bakit naman kita hihintayin? Nag-usap kami ni Mama," depensa niya. "Bakit ka nagtatago nang dumating ako? Anong gusto mong marinig sa pag-uusap namin?" "Wala. Big deal ba sayo na nagkubli ako sa isang tabi? Nagkataon lang yun." Hindi sumagot si Dave at uminom ng tubig. "Kumusta ang tulog mo?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD