Exactly 5 AM nang magising si Angie. Napansin n'yang katabi nya si Kyle sa kama. Mahimbing itong natutulog. Nakaramdam sya ng kaunting bigat sa katawan. Kaya't naisipan n'yang maligo nang maaga. Pinagmasdan nya muna saglit ang binata bago sya tumayo. Sa shower habang babad sa agos ng tubig ay naalala nya bigla ang nangyari kagabi. Isang gabi na hinding-hindi nya makakalimutan kung kailan pinaubaya nya ang sarili sa isang lalaki na si Kyle. Hinaplos nya ang hubad n'yang katawan na nababagsakan ng tubig. Napapikit na lamang sya. Naguguluhan sya sapagkat ibinigay nya sa lalaki ang sarili kahit alam n'yang hindi nya ito kasintahan. Isang pagkakamali ang nangyari. Ngayon lamang sya natauhan. Gusto n'yang magsisi pero huli na ang lahat. Naangkin na sya nito. Matapos n'yang maligo ay lumabas n

