Nais ni Angela na malaman ang gagawin ng matandang lalaking iyon. Nakakapagtaka dahil mag-isa lamang itong pumasok ng kweba. Wala itong kasama ni isa. Ano nga ba talaga ang ginagawa nito roon. Siya man ay hindi malaman kung hihingi ba ng tulong sa taong iyon upang makalabas. Sigurado siyang alam nito ang daan palabas. Kailangan niya munang alamin kung hindi ito masamang tao. Sinundan niya ang nagliliwanag mula sa gasera. Maingat siya sa paglalakad upang hindi makagawa ng anumang ingay. Isang napakalaking bato ang tila nagtatakip sa malawak na looban ng pinasukan ng lalaki. Unti-unti siyang sumilip roon. Nakita niya ang nakatalikod na matandang lalaki na nakasuot ng cowboy na sumbrero. Mabilis siyang nakapagtago nang lumingun-lingon ang matanda sa paligid. Maya-maya pa ay sumilip siyang

