Pabaling-baling ang ulo ni Theo habang natutulog. Muli na naman siyang nananaginip. Madiin na nakapikit ang kanyang mga matang lumuluha habang tumatakbo sa kanyang utak ang isang napakasakit na panaginip. Hindi makahinga si Theo sa kirot na nararamdaman niya. Patuloy na tumatakbo sa kanyang utak ang panaginip na nagdudulot sa kanya ng labis na kirot sa puso. ‘Hindi... huwag... please.’ Samantala, naalimpungatan naman sa pagtulog si Sofia dahil sa paglilikot ni Theo. Idinilat niya ang kanyang mga mata saka tiningnan niya ito. Napansin niya ang pabaling-baling na ulo nito sa ibabaw ng unan habang madiin na pumipikit-pikit pa ang mga mata. Kumunot pa ang kanyang noo nang mapansin niya ang pagluha nito. Tuluyan siyang napadilat saka siya bumangon at umupo sa kama. “Theo, gumising ka,” nata

