Nasa loob si Theo ng kanyang home office. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair habang nasa harapan siya ng kanyang computer. Nakasalpak sa magkabilang tenga niya ang headphone na may built-in na microphone. Nakatutok ang kanyang mga mata sa camera at lilipat din sa monitor kung saan nakikita naman niya ngayon ang mga estudyante niyang Chinese na kinakausap niya sa wikang ingles. Nakikita rin siya ng mga ito sa kanyang mga ginagawa at naririnig ang mga sinasabi niya. “Class dismissed, Bye. See you next time,” pagpapaalam ni Theo sa mga estudyante niya saka ngumiti at nag-wave goodbye sa kanila. Nag-goodbye na rin ang mga estudyante niya sa kanya. Matapos magpaalam ay tinurn-off na ni Theo ang computer. Dahan-dahan niyang inalis ang headphone sa mga tenga niya at ipinatong iyon sa desk niy

