DARIUS. Naalimpungatan ako dahil parang may pares ng mga mata na may halong galit at pag-uusig na nakatingin sa akin tumatagos ang tingin na iyon. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at pikit ko man na pigilan ay kusa naman na gumuhit ang isang satisfied na ngiti sa aking labi. Ganito lang naman ang gusto sa buhay ko kada umaga ang gumising sa umaga at mabubungaran ang magandang babae na ito na labis kong mahal at patuloy na minamahal pa. Suot nito ang isang kulay abong T-shirt ko na mas nagpalakas ng dating niya kahit pa nga medyo magulo ang buhok niya pero hindi ko alam kung may suot ba itong panloob sana'y meron naman hindi ko mahalata dahil may unan itong yakap. Pero sa estado ng mood nito ngayon ay para bang ako lang ang kuntento at masaya sa mga oras na ito. d Dahil

