Isko Pov. Nang marinig ko ang boses ng babae mula sa kabilang linya na tumawag sa akin, alam ko na agad na bumalik na siya. But her words hurt my feeling, lalo na't alam kong mas doble ang sakit nito sa aking kaibigan. Hindi ko alam paano ibabalita ang balitang ito kay Darius. Habang papalapit ako sa lugar ng opisina ni Darius ay tagaktak ang pawis ko at halos hinihingal ako na parang galing sa mahabang pagtakbo, kahit na naglalakad lang naman ako. Ang dala kong balita ay alam kong makakapagdala ng delubyo na si Darius ang may gawa. Kanina pa ako nasa harapan ng pintuan ng opisina ni Darius. Si Darius ang lider ng iniilagan na grupo ng Venomous at kaibigan ko na matalik, pero heto ako at narito pa rin sa labas. Hindi ko kasi alam paano sisimulan o paano haharapin ang lalaki. Hinamig k

