DARIUS Maaga akong nagising o sabihin na nating hindi ata ako nakatulog dahil buong gabi akong tawang-tawa sa ginawa ni Romary. Sobra naman ang babaeng iyon magbigay ng ligaya sa buhay ko wagas na wagas. Akala ko nga magkakasya na ako sa halos dalawang oras na panonood ko sa kanya ginawa pero hindi e, halos madaling araw na pinapanood ko pa rin siya kahit paulit-ulit lang naman. Imagine what she did. Pero nagbago ang mood ko bigla ng maisip kung paano kaya kung hindi aking underwear iyon. God! Baka naman pati underwear maabo ko ng hindi oras. Pilit ko iyong winawaglit sa utak ko ayoko na mawala ang good mood na dala ni Romary sa akin kahit na pinuyat ako ng kalokohan niya. Iniisip ko kasi anong gagawin niya sa brief at boxer ko.?But imagining her na inaamoy ang aking underwear bring un

