Romary Dahil sa nareceive ko na text mula kay Darius the yelo, walang puso, balunbalunan at tuod like puno ay talagang na stress ako ng 100 percent. Mali pala na frustrate ako ng bonggang-bongga dahil sa kanya. Nandon e. Okay na sana e, buo na ang araw ko ginunaw niya pa. Ang husay din talaga ng herodes na 'yun na mang-alaska sa akin at huling-huli niya ang inis at gigil ko sagad isang libong porsyento. Pero hindi ako dapat magpadala sa nga padali niya na ganun, kailangan makatabla ako sa kanya sa lalong madaling panahon. Wala naman kasi sa bokabularyo ko ang salita paubaya at padehado. Mag iipon lang muna ako ng lakas at magbu-beautyrest para naman kayat ihi ang loko kapag naka-face to face ako na buo ang tulog. I need to calm down myself at baka kung mataas pa ang inis ko sa kan

