Chapter 14: FAMILY SHOCK

546 Words
Despite, Michelle, pupuntahan ko ngayon ang pamilya ni Ara. Sigurado hindi pa nila alam ang nangyayari kay Arabella ngayon. Kaagad akong nagtungo sa parking area kung saan nakaparada ang aking sasakyan. Halos ilang oras din akong nagbyahe patungo dito sa lugar ni Arabella. Finally, nakarating din ako. Napahinga ako nang malalim at saka kumatok sa malaking pinto ng bahay. "Tao po!" habang kumakatok ako sa pinto. At kaagad naman sumagot ang nasa loob, sabay binuksan ang malaking pinto. "Michelle, bakit ka nandito iha?" habang nakatingin siya sa likuran ko. "Kasama mo si Ara?" agad niyang tanong sa akin. Umiiling ako sa kanya at saka ko siya sinagot. "May sasabihin sana ako sayo na important, Tita Cecilia. Halika, pasok ka sa loob iha." At kaagad akong pumasok sa loob at saka umupo sa malapad na sofa. Ate Michelle, bakit ka nandito? Nasaan si Ate Ara? Kasama mo ba siya? Agad siyang tumanaw sa pintuan habang nililibot niya ang mga mata niya sa paligid. "Ate Michelle, hindi mo kasama si Ate Ara?" Kaagad niyang tanong. Napalunok ako sa sarili sa dami ng sunod-sunod na mga tanong ni Ana sa akin. Lumakas ang kaba ng puso ko, hindi ko alam kung saan ako pwede mag-umpisa sa pag-salita. Tumikhim ako bago ko siya sinagot. "Tita, Ana, nasa bilangguan po ngayon si Ara, sa sala ng drugs trafficking." Paki-ulit ang sinabi mo, Michelle. Agad ko ulit inulit sa kanya. Nakita ko si Ana na hindi na mapakali sa kanyang inu-upuan habang kinukusot ang laylayan ng kanyang bestida. "Ate Michelle, hindi po 'yan totoo. Walang kasalanan si Ate Ara, diba?" Tumango ako sa kanya. Bigla ako napalingon sa gilid ko nang bumagsak si Tita Cecilia sa sahig at agad itong nawalan ng malay. Habang humahagulgol naman sa pag-iyak si Ana, "Tita Cecilia, wake up!" Habang pinipitik ko ang magkabilang mukha niya, hanggang sa tuluyan na itong mapamulat ulit. Inayos ni Tita Cecilia ang mga dadalhin patungo sa Maynila para bisitahin si Arabella na nakakulong sa bilangguan. Bigla akong napatingin sa Riyas nang binuksan, Lacsamana. "May dalaw ka," agad banggit ng isang guwardiya sa akin. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa matigas na kama nang buksan niya ito ng tuluyan. Dali-dali akong lumabas sa aking silid. Habang naglalakad ako sa pasilyo ng Zelda, napaisip ako kung ano ulit ang sasabihin ni Michelle na balita sa kaso ko. Ilang araw na ako dito sa bilangguan, pero ganun pa rin ang lumalabas sa imbestigasyon ni Michelle. Bigla akong napahinto nang makita si Mama at Ana na nakaupo sa harap ng malapad na mesa. Bumuntong-hininga muna ako at saka ko sila nilapitan. "Ma! Ana," mabilis kong banggit sa pangalan nila. Agad naman silang tumayo mula sa pagkakaupo. Sumalubong sa akin kaagad ang mahigpit na yakap mula kay Mama at Ana. "Ana, don't worry, baby," agad kong sabi habang panay punas niya ng kanyang luha mula sa kanyang mata. At kaagad akong umupo sa harap ng malaking mesa. "Ara, anak, may dala ako sayo. Niluto ko yung paborito mong ulam," habang nilalagay niya ito sa plato, agad kong hinawakan ang kamay niya at saka nagsalita. "Ma, wag na po kayo mag-alala sa akin. Makakalaya po ako." Nakita ko ang pagbagsak ng luha ni Mama mula sa kanyang mata. Napahinga ako nang malalim habang nakatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD