Chapter 03: ANA

590 Words
ANA'S POV: Habang naglalakad ako patungo sa labasan ng eskwelahan na ito, bigla akong napalingon nang may kumapit sa braso ko. Laking gulat ko nang makita ko siya. "Ate!" mabilis kong sambit sa kanya habang nakatitig siya sa akin at may malapad na ngiti mula sa kaniyang labi. Kaagad ko naman siyang nasilayan habang mahigpit na nakapit ang isang kamay niya sa aking braso. Agad-agad ko siyang hinalikan sa kaniyang isang pisngi at saka ito niyakap ng mahigpit. At kaagad na bumulong, "I miss you ate." Kasabay ng pagngiti ko sa kanyang harapan. Masaya ako na makita ulit ang aking kapatid. Kaagad naman siya gumanti ng sabihin ko 'yon sa kanya. "I miss you too, baby," kasabay ng mahigpit na yakap at halik sa aking isang pisngi. Lumapad ang ngiti ko na parang aabot na ito sa aking tainga nang marinig ko mula sa kanya. Talagang nararamdaman ko ang pagmamahal ni ate Ara sa akin. "Ana," she says. "Yes, Ate," mabilis kong sagot sa kanya. "But hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Mahina niyang tanong. "Alam mo ba kung gaano mo ako pinag-alala sayo?" Kasabay ng titig sa aking mga mata. "Siguro may tinatago ka sa akin? Huh, Ana?" "Wala po ate, anong tinatago ang pinagsasabi mo?" Siguro may boyfriend ka na, Ana." Naku! Nag-drama na naman ang ate ko. "Wala pa po, may nagliligaw sa akin. At 'di ba ang sabi mo, kailangan ko muna makatapos ng aking pag-aaral?" As I rolled my eyes at her, kasabay ng pataas ng aking nguso sa kanya. " Mabuti naman kung ganun, Ana. Agad niyang sagot habang papalakad kami patungo sa kanyang motorsiklo kung saan nakaparada ito. Napaisip ako habang nakatingin sa kanya. Tatlo kaming magkakapatid, isang lalaki at dalawang babae. Si ate ang nasa gitna. Parang siya na ang nanay ko dito. Mas malala pa siya kay mama kung maka-asta siya sa akin. Strict siya sa akin pero mabait at mapagmahal na kapatid naman siya, maalalahanin sa amin ni mama. Naalala ko pa ang kwento ni mama sa akin noon tungkol sa mga pangyayari dahil sa isang malagim na trahedya na nangyari noon sa aming pamilya habang nasa sinapupunan pa ako ni mama. Si Papa ay isang alagad ng batas at may mataas na ranggo sa pulisya. Ang sabi ni Mama ay inambush ito ng hindi kilalang grupo ang sinasakyan nitong sasakyan kasama ang aking kapatid na lalaki na si kuya Elmer, habang sila ay papauwi na ng bahay noon. Si kuya Elmer naman ay kilalang-kilala ito dahil sa kanyang mga medalya ng karangalan sa Martial arts. Bawat laban niya sa iba't-ibang bansa ay lagi itong nananalo. Namatay si papa at si kuya Elmer. Pero malakas pa rin ang kutob ni ate Arabella na buhay pa si kuya Elmer. At ngayon si ate Ara ang nagpatuloy sa plano ni papa para kay kuya Elmer na magiging pulis din siya gaya ni papa, at hanggang ngayon dala-dala pa rin ni ate Ara ang sakit na naganap sa aming pamilya. Kaya mula noon at hanggang ngayon ay pinapangako pa rin ni ate na hahanapin niya ang gumawa nito kay papa at kay kuya Elmer. Nadidilig ang aking balahibo tuwing napapaisip ako. Nakita ko ang galit sa mga mata ni ate at paghihiganti. Pero sino ang gumawa nito? Hanggang ngayon, ito pa rin ang palaisipan sa amin. Sino ang nasa likod ng malagim na trahedya sa aming pamilya? Ito ang nag-udyok kay ate Arabella na hanapin ang taong gumawa nito at papanagutin ang sino mang salarin sa pagpatay kay Papa at kuya Elmer. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD