Chapter 1

1042 Words
"KAILANGAN bang makita ang balat ko?" Tanong ko. Nakatitig ang matandang babae sakin. She was managing all of girls working inside of this bar. She was famous and known as mother of s*lut. Pang unang araw ko 'rito ngunit hindi ko alam ang aking gagawin at tatahakin. Napalunok ako. Suot ang skirt na halos isang angatan lang makita na ang singit, at silver na top-sleeveless at kita ang balat. Gamit ang binili ko kahapon na kwintas na may hugis heart, tig-bente pesos lang. Bumuntong hininga ako. Humugot ng malalim na hininga bago lumabas sa closet namin. Gamit ang heels na hinirap ko sa kaibigan ko, nag lakad ako na parang alam ko ang gagawin. Kita sa mga mata ng mga kalalakihan na naka-upo sa sofa ang pagnanasa sa mga kababaihan na naririto sa loob. Mga sexy at halos kita rin ang kaluluwa nila sa kanilang kasuotan. Lugay ang aking buhok, hanggang bewang. I flip it a little bit. Isa isa sila nakakakuha ng kanilang itini-table. Habang ako nag mamatsyag pa rin hanggang ngayon. "What are you doing here?" Si Madame Chiko. "Ay, nakakagulat ka naman po." I smiled. "Nakakagulat ang alin?" "Ang mukha niyo po-este ang presensya niyo. "I'm not playing around, just go. Someone wants you." "Po?" Nilingon ko ang tinitignan ni madam Chiko. "He's here just to f**k. Police iyan, mag ingat ka at mabuntis ka." "Po? Wait, sabi niyo po ay depende sa mapaguusapan namin ng customers kung papayag ako. In the end akin pa rin naman ang desisyon." Lumunok ako. "Okay fine. Sabi lang naman niya gusto niya nang ka-talk." "Sure ka'yo?" "Anong tingin mo naman sakin? Inaalagaan ko ang mga katulad niyo dahil sa inyo ako nag kakapera. Isumbong mo agad sa police pag minanyak ka--" "E, di'ba nga police 'yan?" Nangunot ang noo ko. "Oo, daming police diyan Hija, at hindi lang siya." Nag smile ang ginang ng sobrang lapad. "Creepy," bulong ko. "What did you say?" Tumaas ang kilay niyang may ahit sa dulo. "Wala po. Grabe estetik pala ang kilay niyo madam ha." Tumaas lalo iyon kaya mas lalo siyang nag mukhang pangit. Umiling ako at iniwasan ng makapag salita ng maaring ikakagalit ng ginang. "Sige po. Ano po ba ang gagawin?" "Buka mo mga hita mo, ganon. Agad agad dapat." Deretsang sabi niya. "Grabe naman madam, agad agad?" I asked, exaggerately. "Omsim. Ganon ginawa ko ngayon sa boyfriend ko." "Ay, kaya naman pala ikaw ang handler ng mga pok-po--" ngumiti agad ako ng sumeryoso ang mukha niya. "Ang mga handler ng mga pokmaru lodi, ikaw naman madam." Ngumiti ako ng peke. "Lodi kami di'ba?" Nag cheer up pa ako. Humugot ng malakas na hininga bago lumapit sa mga grupo mg kalalakihan. Malaki ang mga braso't katawan nila. Halata ang halos sa kanila ay mga lahi. Iisa lang sila ng damit, Navy Green. Halata na para nga silang nag sislbi sa gobyerno. May mga Dog Tag sila sa leeg. Dumako ang tingin ko roon sa lalaking umiinon ng alak. Ang isang malaking braso ay nasa sandalan ng mahababg sofa. He was gorgeous in my eyes. Ang buhok niya ay undercut, may tatto na snake sa ibabang tainga. Maliit lamang iyon ngunit nakita ko. "Gaizon." Tawag nong isa, may peklat na mahaba sa bandang kilay niya. Para ganon sa peklat ni Charlie puth. Paano kaya pag naging mag asawa si Charlie Puth at Sue Remirez? Ano kaya magiging pangalan ni Sue? Sue Puth. Umiling ako at ngumiti. "Hi." I smiled. Hindi nakatingin sakin iyong Gaizon ang pangalan. Pero nakikita ko ang pag sipat niya sa katawan ko bago sa mukha ko. "Ako iyon, Hi. I'm Ryle." "Hi, I'm Stacey." Pinaupo niya ako sa tabi niya. Sa tabi ko, si Gaizon. "Ilang taon kana?" He asked me. "Um, 23 po." Hiyang sabi ko. "Wow, ang bata mo pala. Pero ang ganda mo naman. Ilang taon kana nag tatrabaho dito?" "Ngayon palang po ang unang araw." Binigyan niya ako ng baso ay sinalinan ng beer. Hindi ko alam ang gagawin pero kinuha ko nga iyon ay uminom. Naka dalawang lagok lang ako. "Saan ka nakatira?" "Confidentiality po iyon sa contrata." Nahihiyang saad ko. "Oh sorry. Mukhang napa sobra ako. Inom nalang tayo." Tumunga siya sa sariling bote ng beer. "Gaizon, what's with you?" Hindi sinasadyang napatingin ako sa tabi ko. Napahimas siya sa kaniyang batok at tumayo. "Bathroom." Simpleng saad nito. Nakita ko ang papalayong bulto nito. He was hot. Ilang minuto lang ay nag excuse din si Ryle para mag CR. Nag excuse din ang ibang mga kalalakihan na may kasamang babae. Para akong bata na nag hihintay kay Ryle. I was waiting the whole time, halos wala nang bumalik. "Ryle was alread left an hour ago," isang boses ang nag salita. "Ha?" Tiningala ko siya. "Iyong lalaki mo umalis na kanina pa, may emergency." Umupo siya, across to me. Kaharap sakin uminom siya ng beer. Nakatitig siya sa katawan ko. "Am I right, this is your first time here?" "Um, oo." Nakatitig din ako sa kaniya. "Are you virgin?" Tumaas ang makakapal na kilay nito. Sasagutin ko ba iyon, o mag sinungaling nalang. Pero kita ko sa mga mata ng lalaki ang kakaibang tingin na ngayon ko palang nakikita sa lalaki. "Oo." Deretsang sabi ko. Nakita ko ang pagkislap ng mata niya. Napalunok siya ilang ulit. Napansin ko ang pag baba niya ng beer sa lamesa. He was massaging his nape. Humugot siya ng sigarilyo at tumingin sakin ng dahan-dahan. I shifted my seat. He noticed how uncomfortable I am right now. Dinilaan niya ang labi, nag iwas ako ng tingin ng bumaba ang mga mata niya sa labi ko. "Okay." Tumayo siya at iniwan ako. Nakanganga akong nakatitig sa likod niya. Okay lang? Ganon iyon? Pagtapos niya akong titigan buong kaluluwa ko ay okay lang? Hindi ba niya tinanong sakin na okay lang din sakin ang pagtitig niyang ganon? Ay ewan. Agad na bumalik ako closet room at hawak ang 10 thousad na pasimpleng iniwan ni Ryle kanina sa tabi ko. Nakangiti akong pauwi dahil nagka instant 10 kiyaw ako sa isang gabi. Ganon pala kadali iyon? Uupo lang tapoa makikipag usap, sarap naman ng magiging life ko in the next next day. Hindi na ako makapag antay na mag trabaho bukas ng gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD