“ANAK, Cross nasaan na si Debbie?” nag-aalalang tanong sa kaniya ni kaniyang mommy habang nagmamadali itong lumapit sa kaniya. Nasa labas na siya ng ER at naghihintay sa doctor na tumingin kay Debbie. Kasama rin ng mommy niya si Astra at Markus na parehong nag-aalala dmrin para kay Debbie. “God, ano ang nangyari sa kaniya?” tanong ni Astra. “She was almost raped.” Tiim-bagang at walang emosyon na saad niya. Gulat na napasinghap naman ang mga ito dahil sa mga sinabi niya. Kahit siya man ay sobra-sobrang galit ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon kay Gutierrez at sa dalawang tauhan nito na may gawa n’on kay Debbie. Paniguradong makakapatay siya ng tao kung ginalaw ng mga ito si Debbie. “Diyos ko! Kawawa naman ang asawa mo anak. Nahuli na ba si Ralph? Dapat mabulok siya sa kulung

