TAHIMIK na nakikinig lang ako sa lecture ng teacher namin. Kailangan kong mag-focus. "Class dismissed." Nang marinig namin iyon ay agad kaming nagsilabasan na. Maglalakad na naman kami papunta sa next class namin. Every subject ay mayroong isang oras. Pagkatapos ay lalabas na naman kami para pumunta sa room ng next subject. Masama pa rin ang loob nina Milky at Dhana sa akin. Ewan ko ba sa kanila at ako ang pinag-iinitan nilang dalawa. "Vera, tingnan mo iyang dalawa. Para kang kakainin ng buhay," untag ni Mika. "May bago pa ba diyan, Mik? Bakit kasi galit sila? Wala naman akong ginawang masama sa kanila," paliwanag ko. "Inggit ang tawag diyan, Vera. Insecure lang ang dalawa na 'yan sa iyo. Biruin mo ba naman, ikaw 'tong walang ka-effort-effort pero napapansin." "Sa tingin mo, dapat ko

