SOBRANG lapit na talaga ng fancy drill. Kaya hindi na kami masyadong nagkakasama ni Louie. Wala namang kaso sa akin iyon. Mas mabuti nga kapag nakafocus lang siya bilang Corps Commander ng CAT namin. Mapapanatag akong mananalo sila. "Miss mo na?" biglang tanong sa akin ni Edchelle. "Sa tingin mo?" balik ko. "Siyempre, oo!" natatawa niyang sagot. "Alam mo naman pala, e. May pa-tanong tanong ka pa." "Nang-aasar lang ako, Vera. Ikaw kasi baka dibdibin mo ang kawalan niya ng oras sa 'yo." "Naiintindihan ko si Corps. Hindi naman puweding sa akin na lang umikot ang mundo niya. May mga taong nangangailangan sa kanya, e. Nandito lang ako...nakasuporta." "Ang dami mong support sa kanya, dzae. Asawang-asawa na talaga ang datingan mo." "Baliw! Tara na sa field. Manonood tayo sa training nila

