"LOVE is when you realized how much you need that certain person in your life. And you probably don't know how to be happy when he's not around." Mali naman yata itong nasa librong binabasa ko. Ang pagmamahal naman ay hindi nasusukat kapag nandiyan o wala man ang taong mahal mo. Wala man siya sa tabi mo kung nananatili siya sa puso mo, totoong pagmamahal na iyon. Ibinaba ko na lang ang librong binabasa ko at saka tumingin sa ibaba. Napangiti ako dahil sa magandang view mula rito sa rooftop ng Nevros. Nakaka-relax ang ambiance dito, kaya isa rin ito sa lugar kung saan madalas akong nakatambay. "Sabi ko na nga ba at nandito ka." Napatingin ako sa bagong dating. "Ikaw pala iyan, Jayvee." Lumapit siya sa gawi ko. Umusog naman ako ng konti to give him enough distance. "Alam mo bang nag

