Alonica's Pov Nanlalaki ang matang napatingin kami kay Klent at Marga, gustong gusto kung sapakin si klent, dahil hindi man lamang niya nagawang itulak o patigilin si Margareth, nang halikan siya nito. Tumingin ako kay Calissa, at gusto ko ding maiyak, dahil sa itsura niya. Mukha pa man ding ang saya saya nilang tignan ni klent nang bumaba sila nang sasakyan. "Good evening, Babe. I miss you"- sambit ni Marga, habang nakayapos sa braso ni klent. Naikuyumos ko na lamang ang palad ko dahil sa inis. Hindi ko alam kung sinasadya lang ba ni Marga ang mga ginagawa niya. Alam kung nahahalata niya rin, na kunektado si klent at Calissa. Dahil even Steven, napansin iyon. "Ahem, Phobee. Come here"- pag aya ni Markus kay Cally, na mukhang naistatwa na sa kinatatayuan niya. Nang hindi ito gumalaw,

