Kabanata 4

2327 Words
Kabanata 4 Maaga akong nagising sa sobrang exited kong pumasok ay napaaga din ang pag pasok ko sa trabaho . "Good morning manong." bati ko sa security guard na nakangiti . "Good morning din po Ma'am , para pong napaaga yata kayo at napaka blooming nyo po Ma'am. " Tipid akong ngumiti ."napaaga lang po ng gising." "Alam nyo po bang ganyan din ang dahilan ni Sir." napakunot ang noo ko...ibig sabihin nandito na si Raille. "Nandito na po sya?" Tanong ko kay manong . "Opo kani kaninalang halos sabay nga lang po kayo ehh." Napahawak na lang ako sa dibdib ng maramdaman ko ang bilis ng t***k nito, nagpapaalam ako kay manong at nagtungo na sa opisina. Nang makarating ako sa harap ng pinto ay dahan dahan ko itong binuksan, bumulaga sa akin ang maskuladong katawan nito bakat na bakat ang abs nito sa suot nitong white V - neck shirt . Nang mapagawi ang mata ko sa  gwapo nitong mukha. Napakagat ako ng labi ng maalala ko ang nangyari kagabi. How can I forgot what happen last night kung hanggang ngayong nga ay nararamdaman ko pa rin ang pag dampi ng labi nya sa akin. Napayuko ako ng tumingin ito sa akin, agad kong tinungo ang table ko at inabala ko ang sarili sa pag aayos ng sandamakmak na papeles na hindi ko na tapos dahil ang lunch na sinabi nito ay umabot hanggang gabi. "Good morning." Sa sobrang gulat ko , bigla ko na nalang nabitawan ang hawak kong mga papeles , dahilan para magulo ulit ito at ang masama pa ay nahulog pa ang iba sa sahig, dali dali ko itong pinulot bago nag angat ng tingin dito. "Sorry, if I'm distracting you." sabi nito at tinulungan ako sa pamumulot ng nagkalat na papeles . Nang mapulot ng lahat ay agad kong inaayos ang aking pencil cut na suot dahil medyo tumaas ito. Saktong lingon ko dito , sakto ding pag bukas ng pinto at bumungad doon ang pamilyar na mukha kung hindi ako nag kakamali ay ito ang nasagi ko kahapon . "Babe!" Tawag ni Yvonne sa lalaking nasa harap ko. Tumingin ako sa suot nito , Yvonne wearing a tight sexy red dress showing her bare skin. It's really fits in her , bukod sa maganda, sexy pa, lahat ata ng kalalakihan ay maghahabol dito kaso nga lang ang ugali medyo hindi ko gusto. "Yvonne why are you here?" Tanong ni Raille na wala na sa aking harapan. "Don't you remember ? Birthday ko ngayon." Sabi ni Yvonne habang hinihimas himas pa ang braso nito. Para akong nairita , kaya naman pabagsak kong ipinatong ang mga papeles na nilimot ko at pasalampak na umupo dahilan para maagaw ko ang atensyon nila , kahit alam kong patingin tingin sa akin si Yvonne , hindi ko ito nililingon patuloy lang ulit ako sa pag aarange ng papeles na sana'y tapos na. Patuloy pa rin ako sa ginagawa ko at nang mag angat ako ng tingin sa dalawa na hanggang ngayon ay nasa harapan ko pa rin... parang mga manhid hindi man lang nakakaramdam na may tao dito , itinuon ko na ulit ang tingin ko sa mga papeles. Wala pa mang kalhati ang na aarange ko ay may narinig akong ungot nang tumingin ulit ako sa dalwa na mag pa hanggang ngayon ay nasa harapan ko pa rin. "Babe" ungot ni Yvonne kay Raille habang nakapalibot ang kamay ni Yvonne sa leeg ni Raille at ito namang si Raille ay nakahawak sa baywang ni Yvonne. Naglalambingan ang dalawa habang ako ay nanonood ... Napairap ako sa ere ng mas hinigit pa ni Yvonne si Raille papalapit sa kanyang mukha... At bigla ko nalang ulit nabitawan ang mga papeles na kakaarange ko palang ng makita ko ang pag hahalikan ng dalawa sa harap ko ... Kahit si Yvonne ang nauna ay alam kong ginusto din yun Raille lalo na't may pag pikit pa ito ng mata habang hinhalikan ni Yvonne. Agad agad akong tumayo na ikinaagaw ng atensyon ng dalwa ... Kinuha ko ang bag ko at mabilis na lumabas sa opisina ayaw ko ng makita ang susunod ngunit bago pa man ako maka alis ay narinig ko pa ang tanong ni Yvonne kay Raille. "Sino ba yon." tanong ni Yvonne . "Secretary lang." Parang biniyak ang puso ko sa sinabi nitong 'secretary lang' , bakit ganito ang epekto ng lalaking yun sa akin, kahit wala akong karapatan ay nasasaktan ako. Oo aaminin ko na crush ko ito kaya ganito na lang ang nararamdaman ko , parang gusto ko ng paliwanag mula kay Raille . Mula sa kinatatayuan ay napahawak ako na lang ako sa ding ding ng maramdaman ko ang pangangatog ng tuhod ko at pananakit ng ulo ko , dahan dahan akong nag lakad palabas hindi ko alam kung bakit nasasktan ako pag may kasama syang iba parang gusto kong pumatay ng tao . "Oh! Ma'am out na po kayo... Teka! May problema ba po?" Tanong sa akin ni manong, siguro na pansin ang panghihina ko. "Masakit lang po ang ulo ko , kailangan ko po ng pahinga." sagot ko at diretso sa pag lalakad palabas, totoong masakit ang ulo ko hindi ko lang dinadaing. Palabas na ko ng building ng may tumawag sa akin at lalo lang akong nanghina, hindi ko sya nilingon diretso pa rin ako sa paglalakad kahit panay ang tawag ni Raille sa akin. Hindi ko na kinaya at natumba na ko pero bago pa man ako matumba ay may sumalo na sa akin , minulat ko ang aking mga mata at nasilayan ko ang gwapong mukha n Raille , agad akong umayos ng tayo kahit ramdam ko parin ang pagsakit ng ulo ko ay maayos akong tumayo para ipakitang kaya ko ang sarili ko. "Ihahatid na kita Presciousse." sabi nito. Hindi pa man ako nakaksagot ng may tumawag ng pangalan kay Raille , ang kiniinisan nya at nagsama pa ng alas. "Raille!" Sigaw ni Yvonne habang kasama ang Ina ni Raille. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil bago pa man ako makita ng Ina ni Raille ay tumalikod na ako at pumara ng taxi. Alam kong ayaw sa akin ng Ina ni Raille ,ramdam ko naman iyon at hindi ako tanga para ipagpilitan ang sarili ko sa Ina nito , nang makalayo na ko ay tumingin ako sa bahagi nila , mas lalo lang sumakit ang ulo ko kung iisiping mag sasama - sama ang buong pamilya. Nahilot ko ang sintido ko ng makita ang pagkakayakap ni Yvonne sa braso ni Raille at ang Ina nito na mukhang masaya sa larawang nakikita. Ilang oras ang byahe at nakauwi na ako , pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay nakita ko na si tita na mag isang natutulog sa sofa para tuloy nagbago ang isip ko na lumipat ng tirahan pero kailangan kong maging independent dahil sinabihan ako ng aking Ina na huwag umasa sa iba . Hindi kami mayaman, pero nagkakapera din nman kahit papaano, sapat lang sa amin ni Mama para mabuhay at makakain ng tatlong beses sa isang araw , minsan nung college ako sinubukan kong maging working student may nag sabi kasi sa akin na dun na lang daw mag trabaho pero di ko alam prostitute pala ang papasukan ko agad akong umuwi noon sa bahay , simula nun hindi ko na sinubukan mag working student nag focus na lang ako sa pag aaral habang si mama ay mag isang kumakayod para lang mabuhay kami hanggang sa mag tapos ako ng college , dun na pumasok ang pagkakaroon ng sakit ni mama kaya nag pasya agad akong pumunta sa Manila. Hindi ko namalayan na naluluha na pala ako agad akong pumasok sa kwarto at doon ko iniyak lahat , hindi ko alam na nami - miss ko na pala si Mama, it's been a three weeks without my Mother and I'm really miss her. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko siguro dahil sa pag iyak ko kagabi Agad akong bumangon at naramdaman ko ang paghadi ng aking mga mata na sinamahan pa ng sakit ng ulo , siguro hindi muna ako papasok ngayon medyo masama ang pakiramdam ko , tumingin ako sa salamin at napahawak na lang sa gilid nun ng maramdaman ko ang pagkahilo. Muntik na akong matumba kong hindi lang ako kumapit at ramdam ko parin ang pangangatog ng aking mga tuhod. Unti - unti akong nag mulat ng mata  at pinagmasdan ang sarili sa maliit na salamin. Pugtong - pugto ang aking mata , halatang halata na umiyak ako , muli ay ipinikit ko ang aking mata ng maramdaman ko ulit na tutumba ako , siguro mag papa check up ako at bukas na lang papasok , hahayaan ko munang mag pahinga ang aking katawan at ang aking mata . Pinilit ko ang sarili kong makapunta sa kama. Walang lakas na napahiga ako sa kama at binaon ang aking mukha sa unan na nasa tabihan Ilang minuto ay pipilikit na ako ng may kumatok naman sa pinto . "Preciousse andyan ka pa ba?" Tanong ni tita habang kumakatok parin sa pinto, Hindu na ko nakasagot dahil sa sobrang pagod. At narinig ko na lang ang pag bukas ng pintuan ng aking kwarto . "Hmm" narinig ko ang pag tikhim ni tita . "Hindi ka ba papasok?" Tanong nito pero di ko pa rin ito tiningnan , ayaw ko kasing makita nya ko na nagkakaganito. "Hindi po muna , medyo masama po ang pakiramdam ko." sabi ko habang na subsob pa rin ang ulo sa unan. Walang imik si tita , Akala ko nga umalis na ito pero ng may naramdaman akong kamay na dumampi sa aking batok ko , alam kong si tita yun dahil alam kong sinusuri nito ang kalagayan ko. "Hindi ka nman mainit ahh? Ano bang masakit sayo." sabi nito at bahagya ako hinila dahilan para mapaharap ako sa kanya. Agad na nanlaki ang mata ni tita sa aking itsura. "Teka umiyak ka ba?" Tanong nito sa akin ng mapansin ang mga namumugto kong mga mata. "Masakit po kasi ang ulo ko , at na miss ko Rin po ai mama." sabi ko at agad na umupo ng maramdaman kong nahihilo na naman ako. Hindi ako nag sinungaling dito lahat kinuwento ko maliban na lang sa nangyari sa opisina at naka pag paalam na rin ako na lilipat na matitirhan na agad naman nitong naintindihan. "Oh! Sya! Ipagluluto kita ng soup." sabi nito at umalis na sa kwarto. Ilang minuto lang ako nakatulog dahil ginising ako ni tita para kumain , sya rin ang nagsubo sa akin at nag pa inom ng gamot. "Kamusta ang pakiramdam mo ?" "Medyo ayos na po!" "Oh!sya! Mag pahinga ka na!" Umalis na si tita at pinag pahinga na lang ako , hindi na daw sya mangungulit kahit alam daw nyang may iba pa akong rason kung bakit ako umiyak , medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko , nawala na rin ang sakit ng ulo ko , hindi na lang pala ako mag papa check up dagdag gastos pa. Iidlip sana ulit ako nang muling mag bukas ang pinto. "Umalis na sya" sabi ni tita na ikinakunot ng noo ko. Sinong umalis? Tanong ko sa aking sarili. "Sino po ang umalis tita" sabi ko kay tita na matiim na nakatitig sa akin. "Yung gwapong lalaki." Agad na nanlaki ang mata ko baka si Raille yun. Hindi Preciousse , hindi yun si Raille wag kang assuming  bulong sa aking isip. "Sabihin mo nga sa kin sya ba ang dahilan kung bakit umiyak ka?"seryosong tanong ni tita. "Hindi po ah... Boss ko po yun at siguro pinuntahan na lang ako dito dahil hindi ko natapos yung pag aayos ng papeles dahil umalis ako ng maaga at saka di ba sinabi ko na po sa inyo na nami miss ko lang po si mama at saka papasok na rin po ako bukas." sabi ko at nahiga  na sa kama . Napatango na lang si tita at umalis na . Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng lamesa at napansin ko na lang na ang daming text at tawag mula kay Raille . Sampung  message ang natanggap  ko mula kay Raille at 16 missed call . Hindi ko ito nireplyan wala akong sa mood para replyan ito at hindi ko rin hilig ang mag text nang kung ano-ano . Hindi na ko nakatulog pa , nagtungo na lang ako sa banyo at naligo Habang ako ay naliligo , naalala ko ang sinabi ni Raille , ipinikit ko ang mata ko nang maramdaman ko ang paginit ng tagiliran nito. Sinampal ko ang sarili ko baka sakaling magising ako sa katutuhanang may girlfriend na ito . ' Ba't kasi nasasaktan ka,  daig mo pa ang girlfriend nung lalaking yun at natural lang na mag kiss sila kasi may relasyon sila wag kang kontrabida sa love story nilang dalawa , kasi secretary ka lang niya . '    bulong sa aking isip. Tumingin ako sa salamin sa CR at nag pakawala ng malalim na hininga . "Okay Preciousse inhale... Exhale , simula ngayon iiwas ka na kay Raille para hindi na lumalim pa ang nararamdaman mo sa kanya." pagpapakalma ma ko sa aking sarili at hinilamusan ang sariling kong mukha Nagpasya akong lumabas na para makapagbihis ng pantulog ,medyo gabi na rin kasi at matutulog ako ng maaga para maaga akong makapasok bukas at bukas na bukas rin ay tatapusin ko na ang trabaho ko para maaga akong makauwi at saka sa linggo na ko hahanap ng titirhan . Nahiga ako sa kama at nag balot ng kumot hangang leeg , maayos na ang pakiramdam ko at ayos na rin ang mata ko , pipikit na sana ako  ng bigla naman nag ilaw ang cellphone ko . Agad ko itong kinuha , akala ko tumatawag pero mensahe lang pala ito mula kay Raille Raille: Ayos na ba ang pakiramdam mo ? , bumisita ako sa inyo kanina pero sabi ng tita mo tulog ka daw at masama ang pakiramdam ,bibisitahin sana kita sa kwarto mo pero di ako pinayagan kaya umalis na lang ako . Good night! Napairap na lang ako sa ere , yan na naman yung ka sweetan nya pwede bang tantanan niya na ko , pinatay ko ang phone ko ng marinig ko itong tumatawag hindi ko ito pinansin at tuluyan ng tumulog. ... #selos? #masakit #miss Hope you like it . Please read and don't forget to vote. Thanks.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD