Kabanata 10 Pumasok ako sa opisina na mag isa , wala si Raille kasi pinapapunta sya ng kanyang Ina , gusto nga akong isama kaso umayaw ako . Alam ko naman kasing ayaw akong makita ng kanyang Ina , una pa lang naming pagkikita ng Ina nito ay alam ko na agad na hindi ako nito gusto para kay Raille . Sabi pa ni Raille sa akin nang hinatid nya ko kaninang umaga ay di daw sya magtatagal dun at papasok rin sya pero anong oras na , maghahapon na , hindi na nga rin ako naka pag lunch kasi nga hinihintay ko ito ngunit hanggang ngayon wala pa rin . Tiningnan ko ang cellphone ko , wala naman itong text o tawag , nag aalala na ko dito . Hanggang sa lumipas ang oras wala pa rin si Raille , tumayo na ko at nag pasya ng umuwi baka kasi nasa unit na ito . Nag commute na ko hanggang sa makarating ako

